Chapter Three: Run
Kriselle
Present time.
HINDI ako makapaniwala na makakatangap ako ng text galing kay Diego isang buwan matapos niya ako paasahin. At hindi pa simpleng request lang ang hinihingi niya.
From: Diego Hontiveros
Krissy, can we meet so I can copy all the photos from your DSLR's memory card?"The audacity!" malakas ko na sabi na kumuha sa atensyon ng lahat nang nasa aking paligid.
Naglalakad ako ngayon papasok sa St. Jude Thaddeus Medical Center. Ngayon ang simula ng construction ng bagong PET/CT Scan room nila at ako ang project engineer na in-assign ni Sean dito. May galit talaga siya sa akin at dito pa talaga sa ospital ako nilagay kahit na alam niyang takot ako sa anumang virus. Alam niya rin na vain akong klase ng tao tapos dito pa talaga ako sa ospital magtatrabaho ng higit kumulang na tatlong buwan. Hindi pa kami nag-uusap ni Sean dahil tinatakasan niya ako noong project awarding ceremony.
Iniiwasan pa niya ako makita sa opisina dahil ko siyang 'di naabutan!
Ako na nga ang pinaasa ng mga lalaking ito, sila pa may ganang umiwas sa akin ngayon. Pero sa kaso ni Diego, makapal talaga mukha niya. Biruin mong ginamit pala itong DLSR ko sa trip nila ng labanos niyang jowa. Ang kapal-kapal talaga ng mukha!
Hindi pa nga nakaka-move on sa nangyari noong nakaraang buwan tapos gusto niya makipagkita? Naisip niya ba ang kahihiyan ko na nahamak dahil lang sa nagviral na video nang pagbigwas ko sa pobreng doktor na maari ko pa yatang makita dito sa ospital. Kailangan ko na talagang ipagdasal ang sarili ko ngayon.
Mamaya pa papasok ang mga tao ko pero may permit ako na kailangan i-secure bago sila pumasok. Kailangan daw kasi magpapirma ng working permit sa hospital director araw-araw para masiguro na papasok kami at tatapusin ang project na mas maaga kaya sa deadline. Alam ko na kaya ako nilagay ni Sean dito - bukod sa halatang may galit siya - ay confident siyang matatapos ko ito dahil sa pagiging competent ko.
"Tumingin ka sa dinadaan mo, miss," anang tinig na pumukaw sa akin.
"I'm sorry..." Nag-angat ako nang tingin upang sinuhin iyon at halos takasan ako ng ulirat nang makilala ang lalaki sa harapan ko. Agad akong napatakip sa aking bibig at nanlalaki ang mga mata na tumingin sa kanya.
"Long time no see, Engr. Bonifacio," aniya sa malagom na tinig na nagpataas ng aking balahibo. Napatuon ang tingin ko sa mukha niyang sobrang gwapo at wala yata ni-isang pore na makikita. Nahiya naman ako bigla na may sandamakmak na skin care routine. Partida, doktor siya pero ang fresh niya tingnan. Hindi naman sa nan-ge-generalize ako pero karamihan ng doktor dito sa ospital nakatira. Marunong siya siguro sa time management o may mataas na posisyon.
Pero teka, kilala niya ako?
Oh my gosh!
"I'm sorry. Diyan ka na, bye!" Pasigaw ko na sabi saka bumira ng takbo palayo sa kanya.
"Hey! Come back here, you little mouse!"
Lumingon ako pero hindi huminto sa pagtakbo. Sa dami naman nang makikita ko bakit siya pa agad? Mahal mo ba talaga ako, Lord? Lintik na buhay ito, hindi na lumayo sa kamalasan talaga...
HINGAL NA HINGAL ako nang makapasok sa improvise office namin sa may level 2 parking lot nitong ospital. Ang layo rin nang tinakbo ko at hindi ko sukat akalain na tatakbo ako first thing in the morning. I also realized that I'm really in the bad shape because I felt my legs wobble and it's in pain. Agad ko hinila ang upuan at naupo ako saka hinilot ang magkabila kong binti.
BINABASA MO ANG
Love Quarantined
RomanceKriselle Bonifacio is a confident, straightforward, and enthusiastic engineer who believes there are no possible reasons for falling in love. She firmly believes that feelings shall be known, not hidden to the receiving end. But her bravery is teste...