Chapter Twenty-Seven: Boyfriend

224 13 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN | BOYFRIEND

Kriselle

"HI, Ms. Kriselle! Table for one po ba? Bakante iyong favorite spot mo po sa loob." Iyon ang bungad na salita sa akin si Vivian nang makalapit ako sa puwesto niya. "Blooming tayo ngayon, ma'am. Iyan ba epekto ng hangin sa Boracay?"

Ngumiti ako at inayos ang pagkakasukbit ng bag sa aking balikat. Lagi ako mag-isa kapag pupunta dito sa Carlito's kaya meron na akong sariling spot sa restaurant na 'to. Sobrang espesyal ng treatment ng may-ari nito sa akin dahil magmula noong nag viral ang video ng pambibigwas ko, mas dumami ang customer nila. Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari ang lahat. Meron pa nga silang dish na nakapangalan sa akin bilang representative ng samahan ng mga pinaasa at nambigwas.

"We're not going to take her spot tonight. I already made a reservation under my name, Colby Levezque." Singit ni Colby saka inakbayan ako. Gulat na gulat si Vivian pagkarinig sa sinabi ni Colby at ilang beses pa nagsalit-salit ang tingin sa aming dalawa.

"Hindi na ako loner ngayon, Vivi!" Tili ko at parang bata kaming nagtatalon dalawa sa harap ni Colby. Nakalimutan ko talaga na kasama ko siya at hindi ko nagawang pigilan ang aking sarili. "Okay. Papasukin mo na kami." 

Iyon nga ang ginawa ni Vivian. She opened the door for us but before I could enter, Colby stopped me and held my hand. Nagpatiuna siya sa pagpasok at nakasunod lang ako sa kaniya habang nakatingin sa magkahugpo naming mga kamay. Hindi ko maiwasang kiligin dahil ito ang unang beses na may naka-holding hands ako. Lahat ng mga naging karelasyon ko'y hindi man lang umabot sa ganito.

Lagi akong naiiwan, umaasa at nasasaktan. Ngayon nag-iba na ang ihip ng hangin dahil may isang tulad ni Colby na dumating sa buhay ko.

"Woah!"

Hindi ko maiwasang mamangha habang nililibot ang aking tingin sa open lounge ng Carlito's. Natatanaw ko lang ito mula sa favorite spot ko dati at iniinggit ang sarili ko sa mga magkapares na nakikita. Ngayon narito na ako at may kapares na rin.

Nilapitan ko iyong silya at aktong hihilahin ngunit pinigil ako ni Colby. "Let me," he said, pulling a chair for me. Pilitin ko 'man itago ang kilig, nahahalata pa rin talaga. Dahan-dahan ako naupo at inusod iyon ni Colby ng bahagya palapit sa lamesa. "You good look in your dress." Bulong niya na lalong nagpatindi sa kilig na aking nararamdaman.

"Thank you!" He smiled and I did too. Binili ko talaga itong dress na ito para ngayong gabi. Installment ang bayad syempre kasi naubos ko na monthly allowance ko sa mga online delivery na naman. Tapos gumastos pa ako sa Boracay kahit saglit lang ako doon. "I'm still on my work leave. Bumalik lang ako nang Manila para sa mga parcel ko na dumating kanina."

Nakita ko ang pag-awang ng mga labi ni Colby ngunit hindi noon nabawasan ang kagwapuhan niya.

"So, it's not because of me?"

"Syempre dahil din sayo. Inuna ko lang iyong mga parcel ko na dumating." Kitang-kita ko ang pagbakas ng hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha ni Colby matapos ko sabihin ang mga salitang binitawan. Ginagap ko ang kamay niya at masuyong hinawakan iyon. "Mas mahal kita kaysa sa mga box, don't worry."

"I'm way more handsome and capable in other things than those boxes." Totoo naman. Hindi ko na siya kinontra at napatunayan ko naman iyon noong nasa Boracay kami saka kanina. His kisses are so damn addicting!

Hindi naman ito ang unang date namin dalawa. We had bunch of it back in Boracay. Siguro unang date as an official couple dahil hindi pa namin alam kung ano kami noon. Pag-alis niya, ginugol ko ang mga araw ko sa pag-iisip kung tama ba na sumugal ako at kanina na-trigger ako nang may kausap siyang babae na may inabot na namang pagkain pagbalik ko kanina. Kahit hindi ako naka-duty, inagaw ko sa engineer na in-charge ang pagpapapirma para ipaalam kay Colby na bumalik ako. Parang pusa si Colby, mabait sa nagbibigay sa kanya ng pagkain.

Love QuarantinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon