Chapter Fourteen: First Kiss

246 16 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN | FIRST KISS

Colby

"KRISELLE!"

Mabilis ko nilapitan si Kriselle nang makita ko ang walang malay niyang katawan sa sahig. Pinuntahan ko lang iyong isang pasyente at wala pa ako tatlumpung minuto na nawawala tapos ganito na ang inabutan ko. Agad ko pinindot iyong alarm button na magbibigay ng signal sa mga doctor at nurse sa labas. Marahan ko binuhat si Kriselle pabalik sa kama niya saka sinimulan siyang bigyan ng chest compression.

"Kriselle," I said as I continued giving her chest compression.

Isa-isang nagpasukan sa loob ng facility iyong nurse na in-charge kasunod si Erian na mga nakasuot ng PPE.

"Get the defibrillators now!" sigaw ko sa lahat.

Tinuloy ko ang pagbibigay ng chest compression hanggang sa makalapit iyong pinakuha ko na defibrillators. In-assist ako ni Erian at siya ang nag-on ng defibrillators para i-shock ang puso ni Kriselle pabalik normal nitong tibok. Salitan ang ginawa ko, chest compression at defibrillators hanggang sa mag-response si Kriselle ngunit mahina pa rin ang bawat niyang paghinga. I decided to perform endotracheal intubation to help Kriselle breathe then transfered her inside the severe cases room.

Kinabitan din siya ng dextrose upang doon na padain ang gamot dahil nanatili pa rin siyang unconscious hanggang ngayon. We placed a heart monitor screen beside her in front of the oxygen tank she used to breathe. When everything was settled, I slowly sat on the floor. Then I looked at Kriselle. It was a near-death experience that scared me to death. I thought I was going to lose Kriselle just like that.

"Parating na iyong shipment natin ng vaccines na pwedeng gamitin sayo, kay Engr. Bonifacio at sa isa pang pasyente. Sunod-sunod na namin bibigyan ang ibang empleyado para may panglaban na sila sa sakit."

Tumango ako saka huminga ng malalim.

"Make the shipment fast so we can give it to everyone." Pagod at puno pa rin ng takot na sambit ko kay Erian. "Advise her friends about what happened earlier." Bilin ko pa kay Erian.

"She'll be all right, Colby. Huwag mo abusuhin ang katawan mo at baka ikaw naman ang magkasakit." Tinapik-tapik ni Erian ang balikat ko bago ako iniwan sa loob.

Marahan akong tumayo at nilapitan si Kriselle. I gently lifted up her hands and held it.

"Pasaway ka talaga at pinakaba mo ako, Kriselle. You cannot die, not on me. So, please wake up and be well. Nakaka-miss ang kaingayan at mga rants mo tungkol sa kung ano-anong bagay o pangyayari." Ngumiti ako nang maalala iyong rant niya bago kami maghiwalay noon. 

Kriselle hands were cold that's why I keep it warm using my hand. Iningatan ko doon kung saan banda nakakabit ang dextrose. Wala akong balak iwan siya at tutuparin ko ang pangako ko na dito lang ako sa kanyang tabi. I cannot take another risk again. Sandali lang ako nawala at heto na kami, nasa loob ng severe cases isolation room. Hindi ako pwedeng mag-stay sa loob pero mula sa pwesto ko'y natatanaw ko siya kaya parang magkasama pa rin kaming dalawa.

"You have to wake up and comeback to me, Kriselle. Wherever you are, stop wandering now and come back to me. Mag-aabang pa tayo ng shooting star at mag-i-stargazing na paborito mong gawin."

Para na akong sira pero alam ko na nakakatulong ito dahil ginawa niya rin ang bagay na 'to sa akin eight years ago...

***

"HELLO THERE!" Masayang bati sa akin ng babaeng nagligtas sa akin sa rooftop kamakailan lamang. Simula noon ay hindi na niya ako nilubayan at laging binabalikan sa aking kwarto. "May dala akong binatog at taho galing sa labas. Natutulog ang mama ko kaya dito muna ako sayo."

Love QuarantinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon