Chapter Five: Lockdown
Kriselle
INIISIP ko kung may nagawa ba akong kasalanan sa past life ko at pinahihirapan ako ng ganito. Ginawa ko na lahat-lahat ang gusto ni Dr. Levezque pero pinahihirapan pa rin niya ako. Minsan ko na siyang naabutan ngunit dinaanan lang ako at dinaluhan iyong emergency patient na pumasok sa ospital. Of course, he had to do his job first but I also have a job too! Lagi na akong nasasabon ni Sean dahil laging delay ang work permits namin.
Nauuta na ako sa pagsalo ng mga sermon niya at kung pwede lang humingi ng time-out ay ginawa ko na. Dumagdag pa iyong anxiety na meron ako kasi nga ospital ito at alam ko sa sarili ko na mahina immune system ko kaya mabilis mahawa ng sakit. Iba-ibang sakit pa 'man din ang meron sa ospital at hindi ko maiwasang mag-overthink. Lalo pa ngayon na may virus daw na nakapasok sa bansa at kahit naka-alerto na ang lahat, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip ng kung ano-ano.
Huminga ako nang malalim matapos maupo na nakakuha sa atensyon ni Hera.
"Did you get Doc Pogi's signature already?" tanong niya agad sa akin. Hindi pa nga ako nakakahinga, iyon na agad ang tanong niya. Saka bakit Doc Pogi?
"Hindi ko pa siya na-co-corner ulit. Sobrang lagalag niya at kung saan-saan na ako dinala ng pagsunod ko sa kanya,"
"Huwag mo sabihin pati sa banyo sinusundan mo siya?"
"Hanggang morgue sinundan ko siya para lang magpapirma."
Tumawa si Hera nang malakas.
Hindi ako natutuwa dahil morgue iyon na puno ng mga bangkay na namatay mula sa iba't-ibang sakit. Cowboy akong tao pero pagdating sa gano'n, lumalabas ang kaartehan ko sa katawan.
"Alam mo malaki hinala ko na crush ka ni Doc."
Umirap lang ako kay Hera. "Pwede naman niya ako ligawan nang hindi pinahihirapan,"
"Baka na-to-torpe o pwede ring gusto lang niya gumanti sa ginawa mo sa kanya."
"I already gave him my apology letter."
"Na pina-re-revise pa niya di ba?" Nasapo ko ang aking ulo gamit ang dalawang kamay. Dala ko na revised version ng apology letter at sinobrahan ko na rin ng dalawang page para hindi na niya ipaulit pa. "Na-revise mo na ba? Bigyan mo kaya ng donut saka kape para naman lumambot ang pakitungo niya sayo."
Donut saka kape...
Tumayo ako agad at binitbit ang folder na naglalaman ng mga dapat pirmahan ni Dr. Levezque.
"Can you send an update on our group chat?"
"I already did, Engr."
"Good. Wish me luck."
"Go girl! Daanin mo sa santong-paspasan kapag 'di pa rin umubra."
Iba ang nasa isip ko pag sinabing santong-paspasan. Kiniling ko agad ang aking ulo upang palisin iyon sa isipan.
My gosh, wholesome tayo Kriselle saka ine-echos ka lang ni Hera. Walang gusto si Dr. Levezque sayo!
Kahit masakit na ang mga binti ko, sige pa rin ako sa paglakad dahil kailangan ko na papirmahan ang mga dokumento na 'to. Kasama na iyong hinihiling niyang apology letter na ilang ulit ko na yatang ni-revise.
Akala ko kasi okay na kami noong kumain kami sa karinderya. Siya pa nga nagbayad kasi naiwan ko pala ang wallet ko noong araw na iyon sa opisina. Pinahatid niya rin ako sa taxi driver hanggang sa apartment ko. Bukod doon wala na akong maalala sa mga nangyari bago malasing.
Siguro naman wala akong ginawang kagagahan noong gabi na iyon?
Nakakatanggap pa rin ako ng text at chat kay Diego tungkol sa mga picture na nasa DSLR ko. Ilalagay ko nga sa to-do-list ko ang pagsilip doon sa susunod. Bitbit ko naman siya lagi kasi iyon ginagamit ko pang-kuha ng mga picture sa site saka ko i-ta-transfer sa aking cellphone. Mas malinaw na picture para sa mga presentation na pinaka-importante sa lahat.
BINABASA MO ANG
Love Quarantined
RomanceKriselle Bonifacio is a confident, straightforward, and enthusiastic engineer who believes there are no possible reasons for falling in love. She firmly believes that feelings shall be known, not hidden to the receiving end. But her bravery is teste...