Chapter Eighteen: She's Everywhere

225 15 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN | SHE'S EVERYWHERE

Colby

BAKIT KO BA SINABI IYON? Para akong nawala sa wisyo nang makita ko si Kriselle. She asked for my help too and then gave me a book. Natuon ang atensyon ko sa librong binigay niya. Brand new iyon at halatang kaka-deliver lang din.

Hindi na kasi inabala pa ni Kriselle ang sarili niya na alisin iyong waybill na may kumpletong address niya. Mukhang nataranta din siya. I can still clearly remember Kriselle's face a while ago. Bagay sa kanya ang bagong look niya. Kriselle looks divine in her short hair. May highlights iyon na kapag natatamaan ng araw o ilaw lumalabas. I must say that Kriselle looks younger now. She looks exactly the girl whom I secretly love eight years ago.

Binukas ko iyong package at tumambad iyong handwritten letter na nakasama sa libro. Kumunot ang noo ko at akto na sanang bubuksan ngunit naudlot nang biglang pumasok si Erian sa opisina ko.

"Col, why did you transfer a patient without notifying me first?" tanong niya sa akin.

"I have a meeting today. She's your patient back when we were still inside the facility," tugon ko at niligpit na iyong libro saka ipinasok sa drawer.

"Kailan mo pa inuna ang meeting kaysa sa pasyente?"

"Ngayon lang,"

"What's wrong with you exactly? Ang weird kahit noong nasa New York pa tayo. Kung sino-sino ang nilalapitan mo doon tapos ngayon ito namang pagpapasa ng pasyente ang gagawin mo.

Halos mabaliw na nga ako sa New York. Every turn of my head, Kriselle is there. She's everywhere I went and turned too. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang nangyari na para bang bawat makita ko o makasalamuha ay nagpapaalala sa kanya.

Lihim ko kiniling ang aking ulo. I forced myself to focus on what Lola Irene told me to do. I want to find a woman to marry and start my own family.

"Lola told me that I should find a woman I can marry and have a family with. Magagawa ko iyon kung wala akong trabaho kaya pinasa ko sayo para mapuntahan ko iyong mga blind date schedule niya."

"Blind date?!"

"You heard it right, Erian. May tinatapos lang ako na report at aalis na rin ako."

"Sigurado ka na hahayaan mo ako na hawakan siya? What if I court her? Okay lang din? Sabagay pupunta ka nga sa blind date kaya pwede ko na siyang ligawan." Hindi ako kumibo. Ni-hindi ko rin siya tiningnan sa kanyang mga mata. "I'll take that as yes then,"

Umalis si Erian pagkasabi noon at naiwan ako na hindi makapaniwala sa huling binitawan niyang salita.

Seryoso siya?

What the hell you're going to do fucker?

Napukaw ang atensyon ko dahil sa pagtunog ng aking cellphone. It's my blind date reminder set by Mercy. Siya ang supporter ni Lola sa pag-setup sa akin kung kani-kanino. Today I am going to date the only daughter of J Group - the largest pharmaceutical company in the country. Malaking asset kung tutuusin nila para sa ospital ngunit ayoko na idamay pa ang lugar na ito sa lahat ng date na papasukin ko.

Today, that woman will meet the other version of myself - the one whose primary goal is to live in other people's dreams.

It's sucks, damn!

PIGIL NA PIGIL ako sa sarili na silipin ang aking cellphone na kanina tunog nang tunog. Whatever is happening now, I know it's something that I have to deal with inside my hospital's emergency room. Luminga ako sa paligid at sinuri ang mga taong aking natapunan ng tingin. Wala naman kasing TV sa restaurant na kinaroroonan ko at hinihintay ko na lang rin si Jestina na matapos kumain.

Love QuarantinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon