Zharnaya
Pagka uwi ko sa bahay ay nadatnan ko si Mama na naghahanda na ng hapunan. Si papa naman ay nasa sala, nanunuod ng Tv.
Umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis na. Pagkabihis ko ay bumaba na rin ako para makakain na kami ng hapunan.
"Halika na anak, kumain na tayo." Pag aya sa akin ni Mama.
Naglakad naman na ako sa papunta sa lamesa at naupo na.
Tahimik lang kaming kumakain ng marinig ko ang boses ni Lola sa labas. Though, kahit hinaharangan ko yung mga naririnig ko is meron parin nagle-leak kaya naririnig ko pa rin pero hindi naman lahat.
"Andito si Lola." Biglang sabi ko.
Napahinto naman sila Mama at Papa sa pagkain nila dahil sa sinabi ko.
Shit! Nasabi ko pala, akala ko mahina ko lang nasabi.
"Anak, ano sinasabi mo? wala naman yung Lola mo ah." Sagot ni Mama.
"Ah, ano kase Ma. Joke lang hehe." Sagot ko sa kaniya habang naka peace sign pa.
Magsasalita pa sana si Mama ng bigla na lamang kaming napatingin sa pinto ng bumukas iyon.
At tama nga ako, si Lola nga.
"Kamusta kayo? Pasensiya na at hindi ako nagsabi na uuwi ako ngayon, gusto ko kase kayong surpresahin." Nakangiting sabi ni Lola.
Tumayo naman ako naglakad palapit kay Lola para magmano. Naglakad na ako pabalik sa lamesa at naupo na rin si Lola kasama namin.
"Dapat nagsabi kayo sa amin Ma, para nasundo namin kayo." Sabi naman ni Mama.
"Eh, surprise nga hindi ba?" Natatawang sagot naman ni Lola.
"Kaya nga, may surprise bang sinasabi?" Natatawang sagot naman ni Papa.
Napangiti naman ako dahil doon, pero nawala ang ngiti ko ng makita kong nakatingin sa akin si Mama.
Ahm, mukhang hindi siya naniwala sa sagot ko kanina ah.
Mukhang nagdududa siya kung paano ko nalaman na darating si Lola. Pero, pwede ko naman sabihin na sinabi sa akin ni Lola na uuwi siya diba?
"Kumain na muna ho kayo Ma." Pag alok ni Papa kay Lola.
"Naku, salamat. Tamang tama at hindi pa ako nakakakain ng hapunan." Sagot naman ni Lola.
Nagsimula na ulit kaming kumain at sa totoo lang medyo kabado ako dahil baka tanungin ako ni Mama mamaya.
Matapos ang ilang minuto ay natapos na kaming kumain. Ako na ang nagprisenta na mag hugas para naman makapag-usap silang tatlo.
Tahimik lang akong naghuhugas at malapit na sana akong matapos sa isang platong binabanlawan ko ng bigla itong dumulas sa kamay ko.
Dahil sa gulat ko ay bigla ko na lamang naitaas ang dalawang kamay ko, at napapikit na lamang. Alam niyo yung para akong may itutulak? ganon yung itsura ng kamay ko.
Hinintay ko naman ang pagbagsak ng plato, pero makalipas ang ilang segundo ay wala pa rin akong naririnig na ingay.
Kaya idinilat ko na ang mata ko, na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko. Shit! yung plato na sana ay basag na, heto nakalutang sa ere.
Napansin ko naman na kapantay lang ng kamay ko yung taas ng plato sa ere.
Sinubukan ko namang galawin ang kamay ko, yung kaliwang kamay ko ay ibinaba ko na at ang kanang kamay ko na lamang ang gumagalaw. At lalo pa akong nagulat ng gumagalaw din yung plato kapag kinukumpas ko yung kanang kamay ko.
Kaya dahan dahan kong kinumpas ang kamay ko na para bang mayroon akong hinihila. At ganoon na lamang ang gulat ko ng unti-unting lumapit sa akin yung plato.
Pagkalapit naman sa akin ng plato ay kinuha ko na ito at inilagay ko na yung plato sa lalagyanan. At aakyat na sana ako sa kwarto para i-search ko kung ano na naman yung kababalaghan na nagawa ko.
Pero pag harap ko ay nakita ko si Mama na nakatayo sa gilid at nagulat na lang ako ng bigla siyang napaupo.
Shit! Nakita kaya ni Mama yung ginawa ko?! Hala, paano ko 'to ipapaliwanag.
Tulala si Mama ngayon, kaya nilapitan ko na siya at inalalayan patayo. Naglakad naman ako papuntang sala, kasama si Mama na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin.
Napansin naman kami nila Papa at Lola.
"Zharnaya? anong nangyare? bakit tulala ang Mama mo?" Nag-aalalang tanong ni Papa.
Ngunit hindi ko muna siya sinagot, pinaupo ko muna si Mama atsaka ako naupo sa katabing upuan.
Hindi pa rin ako umiimik dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula o kung ano ang sasabihin ko.
Maging si Papa at Lola ay tahimik lang din, mukhang hinihintay nila akong magsalita.
Nabasag ang katahimikan ng biglang magtanong si Mama.
"Kailan pa nagsimula iyang nangyayari na iyan sayo Naya?" Tanong ni mama. Mukhang maayos na siya.
Si Papa at Lola naman ay tila naguguluhan sa naging tanong sa akin ni Mama. Huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot.
"Dalawang araw na po ang nakakalipas." Sagot ko habang nakayuko.
"Ano ba iyang pinag-uusapan ninyo? ano ba ang nangyayari?" Nagtatakang tanong ni Papa.
"May kapangyarihan po ako Papa." Diretsang sagot ko naman.
Kita ko naman ang gulat at pagkalito sa mukha ni Papa at Lola. Hindi ko naman sila masisisi dahil hindi naman talaga kapani-paniwala yung nangyayari sa akin.
Napahinga naman ako ng malalim at napagdesisyonan na ipakita na lamang sa kanila ang kaya kong gawin para maniwala sila.
Itinapat ko ang kanang kamay ko sa unan na nasa sofa at pag angat ko ng aking kamay ay siya ring pag angat ng unan sa ere. Dahil sa ginawa ko ay parehas na napatayo si Papa at Lola, samantalang si Mama naman ay nanatiling naka upo.
"Anak, p-paano mo n-nagawa iyon?" Nagtatakang tanong ni Papa.
"Pa, may kapangyarihan nga kasi ako." Sagot ko naman sa kaniya.
"Zharnaya, magsabi ka ng totoo. May iba ka pa bang kayang gawin maliban dito?" Seryosong tanong ni mama. Isang tango naman ang isinagot ko, at halos pagod na pagod namang napaupo si Papa at Lola.
"Ano pa ang kaya mong gawin anak?" Pagtatanong ni Papa.
"Kaya ko pong makarinig at makakita sa malayo, at etong pagpapalutang ng bagay na ngayon ko lang din po na discover ." Sagot ko naman.
Dahil sa sagot ko ay lalo silang nagulat, pero hindi mo naman sila makikitaan ng takot.
"May iba pa bang nakakaalam sa mga kaya mong gawin apo?" Pagtatanong ni Lola.
"Wala po Lola, kayo pa lang po ang nakakaalam." Sagot ko naman.
Napahinga naman sila ng maluwag at bigla na lamang kaming natahimik.
Mukhang pinaprocess pa nila yung mga nakita at nalaman nila.
"Ano na ang gagawin natin?" Tanong ni Papa.
"Anong gagawin, Pa?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Anak, hindi ka na maaaring pumasok sa school. Paano na lang kung biglang may makakita sa mga kaya mong gawin?" Sagot naman ni Mama.
"Mag-iingat naman po ako eh, atsaka sisiguraduhin ko po na hindi ko gagamitin yung kakayahan ko kapag nasa school ako." Sagot ko naman.
"Apo, mas mabuti ng mag-ingat. Huwag ka na munang pumasok sa school." Sagot naman ni Lola.
Hindi naman na ako sumagot at napayuko na lamang.
BINABASA MO ANG
The Return of the Heir
FantasyShe, who doesn't believe in any kind of fairytales and fantasies. She, who wants to live a simple and normal life. But, because of the things and changes that she discover about herself, she began to believe in those things that she doesn't think th...