Chapter 35

132 6 4
                                    


Khali


The fourth round went well. Maliban na nga lang sa nagkaroon ng creepy stalker si Naya. Kaganda niya kasing nilalang, ayan tuloy kahit babae na mukhang anak ng mangkukulam eh nagkaka interest na rin sa kaniya. Buti na lang talaga hindi ako ganon kaganda kay Naya.

Ngayon ay sampo na lang ata ang natitirang mga challengers. Kaming pito at tatlong students from the Vampire clan. Mind you, kasama pala sa Vampire clan yung may interest kay Naya. But, mukhang hindi naman muna nila itutuloy ang last round dahil gabi na rin. Aba anak sila ni satanas kapag hindi nila kami pinag pahinga.

"Students! You may all now go to your assigned rooms and rest. Tomorrow morning at 7 am exactly, we will start the last round so make sure that none of you will be late. That is all." Saad ng MC.

Rinig mo naman ang hiyawan ng mga students, marahil dahil ay sa wakas makakapag pahinga na sila.

"Hey, Naya let's go." Aya ko kay Naya habang nakakawit yung braso ko sa braso niya.

Hindi naman siya umangal at nagpahila na lang din sa akin. Malapit na kami sa kwarto naming ng biglang huminto si Naya.

"Hey, what's wrong?" I asked her.

Hindi naman siya sumagot at nakatingin lang ng diretso. Na curious naman ako kaya sinundan ko ng tingin kung sino man yung tinitingnan niya and I was shock to see the creepy girl again. Bago siya pumasok s loob ng restroom is nakipagtitigan muna siya kay Naya.

Hindi naman ako na inform na may staring contest pa lang nagaganap.

"Hey, you go first. Natatae na ako eh, hindi ko na mapigilan. Kanina pa ako kinikilabutan at piangpapawisan ng malagkit." Natatawang saad ni Naya.

"Kadiri ka naman." Saad ko sa kaniya habang tiningnan siya ng masama.

"Okay, tae well." Natatawang saad ko naman sa kaniya.

Naglakad na siya papunta doon sa restroom kaya naman naglakad na rin ako papasok sa kwarto namin. Pagpasok ko ay hinubad ko agad ang coat ko at hinagis iyon sa tabi ng higaan. Pumasok naman na ako sa cr para maligo dahil pagogong malinis na lang ang kaya kong ipagmalaki.

Tahimik lang naman akong naliligo ng bigla akong nakaramdam ng nakakatakot na aura pero bigla rin naman iyon nawala. Parang yung taong mahal mo na bigla na lang nawala na parang bula.

Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy na lang sa pagligo ng marinig ko na magbukas ang pinto ng kwarto. Mukhang success ang business ni Naya.

Nang matapos na akong maligo ay nagbihis na ako syempre, alangan namang nakahubad ako. Masyado naman silang sinuswerte kapag ganon.

Paglabas ko ng cr ay bumungad sa akin ang madungis na si Naya. May green liquid na parang tumalsik sa mukha niya, and her hands and clothes are also dirty.

"OMG! What happen to you?!" Medyo histerikal na tanong ko sa kaniya.

"Ah, may nagsuka kasi sa cr tapos hindi pala siya umaboy sa bowl so sa sahig siya nagkalat, and paglabas ko ng cubicle nadulas ako sa suka niya kaya ganito yung itsura ko." Paliwanag niya.

"Mygod, oo nga. Ang baho mo, maligo kana don bilis, baka kumapit pa yung amoy mo dito sa kwarto." Saad ko sa kaniya habang tinutulak ko siya papunta sa cr.

Nang makapasok naman na siya sa cr ay naglakad na ako papunta s ahigaan naming para sana mahiga na pero bigla akong napahinto ng may kumatok sa pinto.

Binuksan ko namna iyon at tumambad sa akin ang pangit na pagmumukha ni Xander.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Return of the HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon