Zharnaya
Kinabukasan
Maaga akong gumising ngayon dahil excited ako sa training na gagawin namin ni Lolo T. Well, I did join different kinds of fighting sports but, I think what makes me excited is that I will use those fighting styles and techniques when I go to the Majika Academy.
Pinagmasdan ko na lamang muna ang itsura ko sa salamin, naka crop top ako na long sleeve and fitted jeans and black sneakers, naka bun din yung buhok ko.
At ng magsawa nako kakatingin sa sarili ko ay kinuha ko na yung bag ko at bumaba na sa sala. Naabutan ko naman sila Mama at Papa na naghahanda na ng almusalan namin.
"Good morning, Pa, Ma." Bati ko sa kanilang dalawa.
Parehas naman silang napatingin sa akin.
"Ang aga mo naman anak nakaayos, my pupuntahan ka ba?" Nagtatakang tanong ni Papa.
"Yes, Pa. Hindi ba sinabi ko sa inyo kagabi na may training ako ngayon sa bahay ni Lolo T." Sagot ko naman sa kaniya.
"Ay, oo nga pala hano, pasensiya na anak makakalimutin na ang Papa mo." Natatawang sagot naman ni Papa.
"Halika na anak, umupo ka na dito, para makakain na tayong tatlo," Yaya naman ni Mama.
Gaya ng sabi ni Mama ay naupo na ako sa tabi niya, maging si Papa ay naupo na rin. Napansin ko naman na wala pa si Lola, tulog pa kaya? Kaya naman tinanong ko na si Mama.
"Ma? Saan si Lola?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Ah umalis na nak, kanina pa. Maaga siyang umalis dahil wala daw tatao sa tindahan niya." Sagot naman ni Mama.
Well, sabagay. Ayaw kasi ni Lola na ipagkatiwala sa iba yung tindahan niya, gusto niya siya talaga nag ma-manage. Yung tindahan ni Lola ay mga tindahan ng school supplies and groceries.
Siguro nagtataka kayo bakit nagtitinda pa yung Lola ko imbis na magpahinga na lang siya sa bahay. Well, hindi pa naman kasi ganoon katanda si Lola, and ang sabi niya sa amin is nabobored siya kapag walang ginagawa.
So, binilhan siya nila Mama ng pwesto sa gilid ng bahay ni Lola at doon itinayo yung tindahan niya. Kinuha ko naman na yung pinagkainan ko at nagpaalam na kila Mama na aalis na ko.
"Ma, Pa, alis na po ako." Paalam ko sa kanila.
"Gusto mo ba ihatid ka na naming anak? At para naman makilala din naming yung Lolo T na sinasabi mo." Nakangiting saad ni Mama.
"You sure?" Tanong ko.
"Oo nga anak." Dagdag naman ni Papa.
Oh well, mas mabuti na rin na ihatid ako nila Mama dahil tinatamad din akong maglakad sa bahay ni Lolo T eh.
Kinuha naman saglit ni Papa yung susi ng kotse kaya nauna na kami ni Mama na sumakay sa loob ng kotse.
"Let's go." Saad ni Papa ng makasakay na siya sa kotse at ipinaandar na niya yung kotse.
Tahimik lang naman kami habang nagbabyahe, tiuturo ko nalang kay Papa yung daan dahil hindi siya pamilyar sa lugar ng bahay ni Lolo T.
Ilang minute pa ay nakarating na kami.
"Pa, andito na po tayo. Pwede mo ng ihinto yung sasakyan." Sabi ko kay Papa.
Kita ko naman ang pagtataka nilang dalawa, which is understandable kasi kagaya ng nangyari kahapon, wala ni isang bahay dito sa bakanteng lote.
BINABASA MO ANG
The Return of the Heir
FantasíaShe, who doesn't believe in any kind of fairytales and fantasies. She, who wants to live a simple and normal life. But, because of the things and changes that she discover about herself, she began to believe in those things that she doesn't think th...