Zharnaya
Maaga ulit akong gumising ngayon dahil nga sa training namin ni Lolo T. medyo nagulat nga ako nung pagbangon ko dahil wala na akong nararamdaman na kahit na anong masakit eh.
Siguro dahil na rin sa kapangyarihan ko na self healing. Ang convenient talaga.
Pero kahit naman alam ko na convenient, hindi ko naman aabusuhin yung katawan ko. Dumiretso na ako sa banyo para maligo.
Tahimik lang naman akong nag sha-shampoo ng bigla na lamang akong may naisip. Kaya naman nag focus ako sa tubig at dahan dahan kong inangat ang kamay ko sa pagbabakasaling umangat yung tubig, at hindi naman ako nabigo dahil umangat talaga yung tubig.
Medyo nabibilib na ako sa sarili ko ah. Ang bilis ko naman matuto. Mas mabilis pa akong matuto ng magic kaysa matuto kapag nasa school na ko. Mukhang pinapa mukha talaga sa akin na hindi ako para sa pag-aaral.
Pinaglaruan ko lang yung tubig na nakalutang ngayon sa harap ko, at pinapaikot-ikot ko ito. Tuwang tuwa naman ako, may naisip pa akong isang idea. Nag focus ako at inisip ko na magiging matigas yung tubig na nakalutang ngayon sa harap ko, and pag dilat ko ay napanganga na lang ako dahil nagyelo na yung tubig na pinaglalaruan ko.
Pero bigla naman akong nag panic dahil hindi ko alam kung paano ko yun ibabalik sa normal.
Kinuha ko naman yung tabo na may tubig at ibinuhos ko doon sa tubig na tumigas hoping na matunaw siya, pero hindi siya natunay mga ante! Balak ko na sanag pukpukin ng bottled shampoo pero naalala kong kaya ko nga rin palang mag palabras ng apoy, ka shunga ko naman.
Kaya naman nag focus ako habang hawak ko yung tubig na tumigas, and to my surprise para siyang nag steam, na may lumabas na mga usok and suddenly natunay na yung tumigas na tubig.
Nagbuhos na ako at nagmadali na dahil sumisikat na yung araw, mahuhuli na ako sa call time naming ni Lolo T.
After kong lumabas at magbihis ay nagmamadali ko ng kinuha ang bag ko at kumain na sa baba.
Hindi ko naabutan sila Mamat at Papa sa baba. Kaya naman nagtataka ako dahil wala naman silang sinabi sa akin na aalis sila ngayon or kaya ay may pupuntahan silang importante.
Pero pag upo ko sa lamesa ay nakita ko ang papel na nakapatong doon.
"Nak, umalis kami ng Papa mo. Maglilibot lang kaming dalawa sa mall, hindi ka na naming ginising dahil ang himbing ng tulog mo. Mag-iingat ka at galingan mo sa training niyo."
-MamaNapahinga naman ako ng maluwag ng mabasa ko ang sulat, akala ko naman ay kung ano ng nangyari sa kanila.
Nagsimula naman na akong kumain, tahimik lang ako syempre sino ba kasi kakausapin ko eh wala naman akong kasama.
Ilang sandali pa ay natapos na rin akong kumain, nilagay ko na sa lababo yung pinagkainan ko at kinuha ko na yung susi ng bahay at naglakad na papunta sa bahay ni Lolo T.
Habang naglalakad ay madami akong nakakasabay na mga estudyante, lunes na kasi ngayon. Nakakamiss naman tuloy pumasok, kamusta na kaya yung dalawa kong impakta na kaibigan.
Bigla naman akong napalingon sa kaliwa ko ng may marinig akong malakas na sigaw.
"Anak!" Sigaw nung matandang babae.
Tiningnan ko naman kung ano yung tinitingnan at sinisigawan niya, and nanlaki ang mata ko dahil yung ata masasagasaan!
Kaya wala ako sa wisyo na bigla na lamang tumakbo at niyakap yung bata. Sa isang iglap lang ay nasa kabilang side na kami ng kalsada habang yung bubunggo sana sa bata ay sumalpok sa isang tindahan. Buti sarado pa yung tindahan nayon at wala pang tao.
BINABASA MO ANG
The Return of the Heir
FantasyShe, who doesn't believe in any kind of fairytales and fantasies. She, who wants to live a simple and normal life. But, because of the things and changes that she discover about herself, she began to believe in those things that she doesn't think th...