Zharnaya
Busy ako ngayon sa pagbili ng mga pagkain dito. Ang daming pamimilian, yung iba nga hindi ko na alam yung tawag pero mukha naman masarap.
Buti na lang talaga binigyan ako ni Lolo T ng card na hindi nauubos ang laman. Kahit kailan ko gustong bumili at kumain ayos lang.
Nakabili na nga pala ako ng tatlong grilled pork, at dalawang grilled squid, at ngayon naman ay naglalakad ako papunta sa bilihan ng corndog.
Sobrang nakakatuwa nga kasi parang nasa mundo lang din ako ng mortal. Buti naisipan din nilang i-adapt yung mga pagkain doon.
"Miss, dalawang corndog." Saad ko.
Naghihintay lang naman akong maluto yung corndog ng biglang may pumalupot sa binti ko.
Mabilis naman akong tumingin kung sinong siraulo yung kumapit sa akin, at ganoon na nga lang ang gulat ko ng makilala ko kung sino ito.
Si Zhiara, yung bunsong anak ng ni Tandang Patay.
Si God of Death.
Maybe you're wondering, bakit ko sila kilala. That's a secret though. Kahit umiyak ka ng dugo at bato diyan, hindi ko sasabihin, sa ngayon.
"What are you doing here?" Tanong ko sa kaniya.
Mind you, nakapalupot pa rin siya sa akin kaya pinagtitinginan na kami.
"We're here as a guest." She replied.
"Ah, miss eto na po yung order niyo." Saad naman nung tindera.
"Miss, pwede paki lagay sa lalagyan, isama mo na rin 'tong iba kong dala." Utos ko sa kaniya at binigay ko na rin yung limang binili kong mga ihaw.
"Let's go." Saad ko kay Zhiara at kinarga na siya.
Naglakad ako papunta sa malapit na bench, at doon kami naupo. Nakakandong sa akin ngayon si Zhiara.
Ayos lang na kasama ko si Zhiara dahil hindi naman siya masyadong kilala at nakikita ng ibang nilalang dahil hindi siya pinapalabas ni Tanda at ayaw nilang mapahawak si Zhiara.
"Eat this baby, it's delicious." Saad ko sa kaniya at binigay ko yung grilled pork.
Napangiti naman ako ng makita ko kung paano lumaki ang mata niya pagkakagat doon sa may grilled pork.
Minsan lang kasi makakain ng ganiyan yan, sanay kasi sa lutong pang palasyo.
"Where's your guards?" I asked her.
There's no way they would've left her roam freely without her guards.
"Oh, I said I'm going to go to the toilet and then I used my invisibility to free from them." She said while giggling.
Tahimik lang naman kaming kumakain na dalawa ng bigla kong marinig yung boses ng MC siguro ng Vampire clan.
"Good morning to all of you. We are now starting our announcements and other agendas for today." Saad niya.
Rinig mo talaga kasi may speaker sila dito sis sa labas, may parang mga monitor pa nga eh.
"They're starting. Let's go na." Saad ko kay Zhiara.
Hindi naman siya kumibo at kumakain pa rin. Ako wala ng kinakain dahil naubos ko na, karga karga ko siya ngayon habang papasok sa loob ng arena.
Hindi naman ganon kalayo yung arena, mga 5 minutes siguro nakarating na rin kami.
Medyo nalula pa nga ako sa dami ng mga estudyante eh. Pero I manage to find the Alpha naman.
Naglalakad na ngayon ako papunta sa pwesto nila. Marami akong madadanan na mga estudyantw sa iba't ibang school.
BINABASA MO ANG
The Return of the Heir
FantasyShe, who doesn't believe in any kind of fairytales and fantasies. She, who wants to live a simple and normal life. But, because of the things and changes that she discover about herself, she began to believe in those things that she doesn't think th...