Chapter 21

73 5 3
                                    


Zharnaya

Maaga akong gumising ngayon kahit labag sa loob ko dahil may pasok pa ako. Nakakaloka nga eh, hindi man lang kami pagpahingahin ni HM ng kahit isang araw pa.

Kakauwi lang namin kagabi galing sa mission tapos may pasok agad kami. Nasaan ang hustisya don?

Napailing na lamang ako at dumiretso na sa banyo para maligo, sa cafeteria na lang ako kakain ng breakfast.

After I've done with my rituals ay lumabas na ako sa dorm ko at naglalakad na ako papunta sa cafeteria ng biglang nag announce si HM.

"Alpha, come here at my office to claim your reward." Announce niya.

Bigla naman lumiwanag ang mukha ko sa narinig ko. Oh my! worth it naman pala ang pagod dahil may reward.

Ano naman kaya yung reward na ibibigay ni HM, sana hindi pera dahil mayroon naman ako non.

Pagkain na lang sana, o kaya weapons na magagamit namin.

Naglakad na lamang ako papunta sa direksyon kung nasaan ang office ni HM.

Tahimik lang naman akong naglalakad ng may biglang tumapik ng balikat ko.

"Shit!" I cursed.

"Whoa! Language." Laxander replied.

"Bakit ka kasi nanggugulat, dati ka bang abno?" Tanong ko sa kaniya.

"Ay di pala dati, simula kasi noon at ngayon abnormal ka eh." Sagot ko sa sarili kong tanong.

Iniwan ko naman si Laxander at nauna na akong naglakad.

Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa office ni HM, hindi na ako kumatok at pumasok na lang. Masyado akong tamad para kumatok pa.

"Hindi uso katok, Naya?" Tanong ni HM habang nakataas pa ang kilay.

"Baka sumobra ng taas yang kilay mo HM, baka hindi natin ma reach yan." Sagot ko naman sa kaniya habang tumatawa.

"Wala namang sosobra sa kalokohan mo." Sagot sa akin ni HM.

"Mas maganda na kasing sobra, HM kaysa kulang." Sagot ko naman.

"Gaya mo, kulang kulang, joke!" Natatawang sagot ko naman at naupo sa tabi ni Khali.

"Nako, maaga akong papanaw sayong bata ka." Sagot naman niya.

"Mga gaano kaaga ba yan, HM?" Curious ko namang tanong sa kaniya.

"Nagbago na isip ko." Sagot naman niya.

"Ay mayroon ka non, HM?" Inosenteng tanong ko naman sa kaniya.

"Oo, at ipapaalala ko lang sayo na ikaw ang mukhang maagang papanaw sating dalawa kapag hindi ka pa tumigil diyan." Naaasar niyang saad.

Pikon.

"Tigilan niyo na nga yan, para kayong mag tatay na nag iiringan." Saad naman ni Andy.

"Anong tatay? lolo kamo." Natatawang sagot ko naman.

"Nako, HM. Huwag mo ng pansinin yan. Yung reward na lang namin ang pag-usapan natin." Saad naman ni Abbigail.

"Oo nga pala, heto na ang inyong reward." Saad ni HM at may hinagis siya sa amin na tig-iisang bag.

Binuksan ko naman ang laman non at kulay dark red na bato ang laman non.

"Ano gagawin namin dito, HM?" Tanong ni Khali.

The Return of the HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon