Chapter 6 : Man in a suit

97 3 0
                                    

Zharnaya

Nabasag ang katahimikan namin ng biglang magsalita si Papa.

"Mukhang ngayon na ang panahon para malaman mo anak ang totoo." Malungkot na sabi ni Papa.

Ako naman heto, nagtataka kung ano yung sinasabi ni Papa.

Pero bigla na lamang rumehistro sa isip ko ang mga haka-haka ko noon na baka hindi ako tunay na anak ng mga magulang ko.

Dahil unang una, wala ni isa sa kanila ang kamukha ko, at ngayong napag alaman kong may kapangyarihan ako lalong tumibay ang kutob ko dahil mukhang ordinaryong tao lamang ang mga magulang ko.

At diba nga, sa kulay pa lang ng buhok at mata ko ay wala na akong kamukha sa kanila.

Bago magsalita si Mama ay bumuntong hininga muna siya at sinabi na nga ang mga katagang magpapatunay sa aking haka-haka.

"Anak, hindi talaga kami ang mga magulang mo. Kinupkop ka namin dahil naawa kami sayo, natagpuan ka namin sa harap ng pinto at nung mga panahon na iyon ay nalaman namin na hindi kami maaaring magkaroon ng anak, kaya hindi na kami nagdalawang isip pa na kupkupin ka." Paliwanag ni mama.

Tahimik lang ako na nakikinig sa sinabi ni Mama, ngunit hindi ako galit sa kanila dahil itinuring naman nila akong tunay na anak.

Napansin ko naman na mukhang nagtataka sila Mama at Papa maging si Lola dahil siguro ay hindi halata sa mukha ko ang pagtataka o pagkagulat lamang.

"Ma, Pa at Lola. May kutob na po ako dati pa na hindi ninyo ako tunay na anak dahil wala naman po isa sa inyo ang kamukha ko, Masyado akong maputi, may pagka kulay red ang mata ko, at ang kulay ng buhok ko ay dark red." Paliwang ko.

"Ni isa sa mga katangian na mayroon ako ay wala sa inyo, kaya inisip ko noon na baka hindi niyo nga ako tunay na anak. Pero, hindi ko naman kayo kinonpronta dahil gusto ko kayo mismo ang magsabi sa akin, at hindi rin naman ako galit dahil itinuring niyo naman ako na para ninyong tunay na anak." Dagdag ko pa.

Nagulat naman ako ng makitang umiiyak na silang tatlo. Hala, may nasabi ba akong mali? bakit sila umiiyak?!

"Hala, bakit po kayo umiiyak?!" Natataranta kong tanong.

"Wala anak, masaya lang kami dahil mukhang napalaki ka namin ng maayos."  Nakangiting sabi naman ni Papa.

Lumapit naman ako sa kanila at niyakap sila.

Matapos ang iyakan, yakapan at labasan ng sikreto ay naupo na ulit kami, at tahimik lang kami ng bigla kong naalala na hindi ko pa pala nasasabi sa kanila na baka isa akong bampira.

"Ma, Pa, Lola." Tawag ko sa kanila.

Tumingin naman sila sa akin ng may pagtataka.

"Ano iyon anak?" Tanong ni Mama.

"May isa pa po pala akong hindi nasasabi sa inyo." Sagot ko.

Mas lalo naman silang nagtaka siguro dahil akala nila ay yun na yon. Hindi na muna ako sumagot at pumunta ako sa kusina para kumuha ng kutsilyo.

Nang pagbalik ko sa sala ay biglang napatayo sila Mama ng makitang may hawak akong kutsilyo.

"Anak anong gagawin mo dyan?!" Nag-aalalang tanong ng Mama.

Pero kalmado lang akong umupo ulit.

"Ma, easy ka lang." Sagot ko naman kay Mama.

"Ma, Pa, Lola. Maupo na muna kayo at huwag kayong mag-alala." Sabi ko sa kanila.

The Return of the HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon