Zharnaya
Maaga akong gumising ngayon dahil ngayon ang araw kung kailan ako maiiba o malilipat ng section.
Sana nga ay maging magkaklase pa rin kami ni Khalia.
Gumayak naman na ako at kumain na. After that ay lumabas na ako ng doem ko, at nagdiresto na sa bulletin board. Doon daw kasi nakalagay ang rankings and scores sa leveling na naganap kahapon.
Marami na rin ang tao doon, pero nung mapansin nila ako ay agad naman silang nagbigay daan sa akin.
Weird, hindi ko naman sila kakainin eh. Kung makalayo sila sa akin akala mo naman akong may ebola virus.
I scan the list and the first thing that I saw, was my name. I'm the first rank and my score is 200. I think it is the maximum score because wala naman ng ibang lumagpas pa sa 200.
Majority of the scores are ranging in 150 and 180.
"Section Amethyst." I read.
Malawak ang ngiti ko dahil magkaklase pa rin kami ni Khalia. Pati na rin ng mga Alpha League.
Ngayong alam ko na yung section ko ay kaagad naman na akong naglakad papunta sa bago kong room. Medyo may kalayuan nga yung room ko ngayon kaysa sa una kong naging room.
After ilang minutes ay nakarating na rin ako sa room namin. Nasa harapan na ako ngayon ng room at wala naman akong masyadong naririnig na ingay. Mukhang wala pa naman yung professor, kaya kumatok na ako at binuksan ko na yung pinto.
Medyo nagulat naman ako dahil ang konti pa lang namin. Siguro nasa 15 lang kami ngayon sa room.
"Yo, Naya. Akala ko naligaw ka na eh." Bati sa akin ni Cristy.
"What am I? Some kind of old woman?" Natatawang sagot ko naman sa kaniya.
"Ano pang tinatayo tayo mo diyan, maupo ka na sa tabi ko." Utos naman sa akin ni Khalia.
Uupo na sana ako sa tabi niya ng magsalita si Viel.
"Sit here, beside me." He commanded.
"Alright." I replied and I did sit beside him.
"Unfair, ako unang nag alok eh." Nakangusong reklamo naman ni Khalia.
"Bawi ka na lang next life." Sagot naman sa kaniya ni Viel.
"Eh kung ikaw kaya bawian ko ng life?" Nakangising sagot naman ni Khalia.
"Kala mo namang kaya mo ako." Proud na sagot naman ni Viel.
"Buti naman at alam mong kaya kita." Sagot naman sa kaniya ni Khalia.
"Kaya mo ko?" Mapanghamon na tanong ni Viel.
"Ang usapan kasi, kung kaya yan. Hindi ko naman sinabi na kaya kita sa labanan." Nakangusong sagot naman ni Khalia.
Natawa naman ako sa kanilang dalawa. Ngayon ko lang kasi sila narinig at nakita na magsagutan.
Pero napatigil rin naman ako kaagad sa pagtawa ng biglang tumahimik sa loob ng room.
"Uh? Pangit ba akong tumawa?" Nagtatakang tanong ko naman sa kanila.
"No, your laugh is really enchanting." Laxander commented.
"Nambola ka pa, ilang babae na ba nasabihan mo niyan?" Natatawang tanong ko naman sa kaniya.
"Mga lima na siguro." Sagot naman niya.
"Mamatay ka man ngayon?" Tanong ko sa kaniya.
"Eto naman oh, mga twenty siguro." He replied while scratching his head.
BINABASA MO ANG
The Return of the Heir
FantasyShe, who doesn't believe in any kind of fairytales and fantasies. She, who wants to live a simple and normal life. But, because of the things and changes that she discover about herself, she began to believe in those things that she doesn't think th...