Chapter 34

68 4 1
                                    

Khali


Naglalakad ako ngayon papunta sa kwarto naming nila Naya para gisingin siya. Sanaol na lang talaga may time pang matulog. Ganon ata talaga kapag malakas ka.

Pero nakaka stress talaga mga pangyayari ngayon, lahat ng mga unusual na events is nangyayari around Naya. Like yung phoenix ng Vampire clan, ang alam ng lahat agresibo iyon at sa Vampire clan lang iyon sumusunod, pero kanina nilapitan at hinawakan ni Naya yung phoenix pero hindi man lang siya sinaktan nito.

Hoy huwag kayong judgerist, hindi ko gusto na masaktan si Naya 'no. Nagtataka lang din kasi ako kung bakit hindi nagging agresibo sa kaniya yung phoenix. Isa pa ay yung mga alagad ata ni kamatayan yon, yung mga kaluluwa na mga nakasuot ng damit ng pang kawal, tapos yung matanda na nakakatakot.

Mukhang magkakilala din sila ni Naya, at ang nakakapagtaka pa lalo ay yung pag bow na ginawa nung mga kawal kay Naya, at yung pagsunod nila kay Naya ng walang alinlangan.

Ang astig lang talaga ni Naya.

Malapit naman na ako sa room namin ng may madatnan ko yung isang babaeng estudyante na nasa harapan ng pinto ng kwarto namin. I looked at her, confused. What is she doing there? Standing at the door, with her dead eyes.

"Miss wha—" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng mabilis siyang tumakbo paalis ng hindi man lang ako nililingon.

Ano probema non? Hindi ko na lamang pinagtuunan ng pansin iyon at binuksan na yung pinto.

Nakita ko naman si Naya na nakabukaka pa habang mahimbing na natutulog. Sarap buhusan ng tubig na malamig eh, na may kasamang yelo.

Umupo naman ako sa tabi niya at tinapik siya sa pisngi.

"Naya, gising na. Gabi na." Saad ko sa kaniya.

Gumalaw naman siya pero hindi naman gumising ang gaga.

"Naya, gising na. Tapos na yung fourth round, limang oras ka ng natutulog." Pagsisinungaling ko pa.

Wala pa sa alas kwatro siyang bumangon at tumingin sa akin na nanlalaki ang mata at nakanganga pa.

"Eww, tikom mo nga iyang bibig mo, baka pasukan ng bangaw." Natatawang saad ko sa kaniya.

"Siraulo ka." Saad niya at hinampas ako ng unan sa mukha.

"Pota! Aray!" SIgaw ko. Gago yung hampas niya may kasamang sama ng loob na akala mong kinimkim ng 15 years.

"Gago! Bakit naman namemersonal Naya!" Eksaherada kong aad sa kaniya.

Gago napunta ko sa kabilang side ng kama sa lakas ng hampas niya.

"Dati ba tayong magka-away nung past lives natin? Inagaw ko ba asawa mo?!" Sigaw ko sa kaniya habang hawak yung ulo ko.

"Hanep ka, umikot buong mundo ko, nag 360 eh." Saad ko habang tumatayo na.

"Napaka OA natin ha, kalabit nga lang yung ginawa ko sayo na yon eh." Natatawang saad naman niya sa akin habang nakangisi ng demonyo.

"Jusq kalabit lang pala yon, pano pa kung hinampas mo na talaga ko? Baka umabot nako ng kabilang mundo." Saad ko habang nakatingin sa kaniya ng masama.

Palabas na kami sa pinto ng biglang tumigil si Naya.

"Hey? What's wrong?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Bigla kasing nag iba yung aura niya.

"Did you saw someone in front of the door, nung papunta ka dito?" She asked with a serious voice.

Huh? How did she know?

The Return of the HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon