Chapter 3 : New discovery

111 6 0
                                    

Zharnaya

Kinabukasan

Naalimpungatan naman ako sa pagkakatulog ko dahil sa mga katok na naririnig ko. Kaya naman idinilat ko na ang mga mata ko, pero nakahiga pa rin ako. Nakakatamad pa tumayo eh.

"Anak, gising na." Tawag ni Mama sa akin.

Dahil sa pagtawag na iyon ni Mama ay tumayo na ako agad. Baka masampulan pa ako ni Mama ng matindi niyang rap kapag hindi pa ako bumangon.

"Opo, gising na po." Medyo paos pa na sagot ko.

Wala naman na akong narinig na sagot, mukhang bumaba na si Mama. Kaya naman nag diretso na ako sa banyo para maligo.

Ilang minuto lang ay tapos na ko, at napagpasyahan ko ng bumaba para kumain na. Pagkababa ko ay nadatnan ko naman na sila Mama at Papa na nakaupo na sa lamesa.

"Morning po, Ma, Pa." Bati ko sa kanilang dalawa.

"Morning din anak." Nakangiti nilang bati sa akin pabalik.

Naupo na ako, at nagsimula ng kumain. As usual, tahimik lang kaming kumakain.

Ilang sandali pa ay natapos na ko, kaya tumayo na ko at nilagay na sa lababo ang pinagkainan ko.

"Ma, Pa. Mauna na po ako." Paalam ko sa kanila.

"Osige anak, mag iingat ka." Sagot nila.

Hindi na ko sumagot at naglakad na papuntang kanto para mag abang ng jeep.

Hindi naman nagtagal ay may dumating na din na jeep at kaagad na akong sumakay doon. Oo nga pala, nakalimutan kong magpakilala sa inyo.

Ako nga pala si Zharnaya Nicole Lazaro. Isa akong 4rth year college student. I'm taking up the Elementary Education course. I am 22 years old.

Maraming hindi naniniwala na 22 na ako dahil daw baby face ako. Sabi pa nga ng iba mukha daw akong fetus sa sobrang pagka baby face ko eh HAHAHA. So, me being a vampire makes sense now because of my appearance.

And about my appearance naman. My appearance is weird to be honest. I have a dark red color hair. And my eyes are faintly red. Hindi siya red na red. But, if you look closely you will see the red color. But, hindi naman siya halata kapag malayo. Mukha namang black lang siya kapag malayo eh.

Another weird thing is, ako lang ang may dark red color hair sa pamilya namin. My mom has brown hair, my dad has black hair.

And I ask them one time, why does my hair look like this? and they say that pinaglihi daw ako ni Mama sa mga mapupulang pagkain.

Hindi ko nga alam eh, baka dugo yung pinaglihian ni Mama kaya ganito ka red ang buhok ko.

Napatingin naman ako sa driver ng magtanong ito kung sino ang hindi pa nagbabayad. Tiningnan ko naman agad ang wallet ko, dahil baka hindi pa pala ako nakakapagbayad.  At nakita ko namang may bawas na 20 doon.

Hindi ako makakapag 123 eh, nasa bandang gitna ako nakaupo, hindi ako agad makakatalon kung sakali. Kaya nagbayad na lang ako, kawawa din naman kasi si manong driver.

Tahimik lang akong nagmamasid sa loob ng jeep ng bigla ko na lamang nakita ang ginawa ng isang pasahero sa kaniyang cellphone.

Ka text niya yung girlfriend niya. Sanaol kuya may lovelife. Nagulat naman ako dahil nakikita ko na naman yung mga malalayong bagay. Pag tingin ko sa may pasahero na iyon ay nasa unahan siya, yung katabi ng driver.

Eh ako nasa gitnang pwesto. Kahit naman siguro anong silip mo, kung ganoon kalayo yung distansya, hindi mo talaga yon makikita. Pero ako, nakikita ko. Mukhang hindi talaga coincidence ang nangyayaring ito sa akin.

The Return of the HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon