Zharnaya
Naalimpungatan naman ako sa pagkakatulog ko dahil mayroong mahinang tumatapik sa pisnge ko.
"Ano ba yon?!" Iritang tanong ko. Sarap sarap ng tulog nung tao eh, binubulabog.
"Gaga! Ikaw na nga 'tong ginigising, ikaw pa 'tong galit." Sagot naman ni Aubrey. Siya pala yung gumigising sa akin.
"Ano ba yon kase?!" Iritang tanong ko ulit.
"Prinsesa, recess na po kase." Nakangiting sagot niya naman.
Nakangiti yan pero sa loob loob niyan minumura na ko niyan.
"Halika na, dalian mo diyan! Apaka bagal mo, may lahi ka bang pagong?!" Naiiritang sabi niya.
Hindi ko naman siya pinansin at nag ligpit na lamang ng gamit ko. Nahiya naman daw ako sa kaniya, parang siya hindi mabagal.
Buti nga hindi pa niya ako sinasabunutan sa inis niya sa akin eh. Nang matapos na kong mag ligpit ay bigla na lamang akong hinila ni Aubrey.
Take note, hila hila niya ko tapos tumatakbo pa siya. Bwiset, akala mo naman mauubusan siya ng pagkain sa canteen.
"Ayan kase eh, ang kupad kupad mo Zharnaya, andami na tuloy pila." Naiirita niyang sabi.
"Malamang madami talagang pila. Hindi lang naman tayo ang estudyante." Sabi ko naman sa kaniya sabay irap.
"Wag ka ng magreklamo diyan, pumili ka na doon. Isang burger at juice lang akin." Utos ko pa sa kaniya.
Hindi naman na siya sumagot at nagdiretso na sa pila. Tingnan mo nagagalit pa siya, pipila din naman pala eh. Aarte pa.
Nilabas ko ang cellphone ko dahil magtitingin sana ulit ako ng information about sa nangyari sa akin kanina ng bigla na lamang narinig ko boses ni Aubrey.
"Ang bilis mo nama--" Naputol ang sasabihin ko ng paglingon ko ay wala naman si Aubrey sa tabi ko kundi nasa pila pa rin siya.
Pero I swear, I heard her voice.
"Ang tagal naman umorder ng nasa harap." Boses ni Aubrey yon, panigurado ako.
Tumingin naman ako sa pwesto kung nasaan si Aubrey at talagang nagtataka na ko dahil naririnig ko talaga yung boses niya!
"Hay nako, ang kupad kasi ni Zharnaya." Rinig ko ulit na sabi niya, at napatunayan ko na siya talaga yung nagsasalita dahil nakita ko na gumalaw yung bibig niya na talagang nagsasalita siya pero sa tingin ko ay mukhang bulong lang naman iyon.
So, paano ko narinig iyon?
Shit! Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman sana ako namaligno. Nakatulala lang ako ngayon dahil hindi ko na talaga alam kung ano nangyayari sa akin.
"Zharnaya."
"Zharnaya?"
"Zharnaya!" Sigaw ni Aubrey sa akin sabay hampas sa noo ko.
Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa ginawa niya. Gaganti pa sana ako ng biglang napunta ang tingin ko sa kaklase naming binubully na naman ng mga ibang section.
"Aubrey tignan mo, binubully na naman si Rizelle." Sabi ko kay Aubrey habang nakatingin pa rin sa nangyayaring pambubully nila kay Rizelle.
Hindi naman sumagot si Aubrey, kaya napatingin na ako sa kaniya.
At ganon na lang ang pagtataka ko ng makita siyang palinga linga, tila may hinahanap.
Sino hinahanap nito?
BINABASA MO ANG
The Return of the Heir
FantasiaShe, who doesn't believe in any kind of fairytales and fantasies. She, who wants to live a simple and normal life. But, because of the things and changes that she discover about herself, she began to believe in those things that she doesn't think th...