Chapter 24

78 4 2
                                    

Khalia

Kakagising ko lang at nagmamadali na akong tumayo at maliligo na sana ako dahil mahuhuli na ako sa klase ng bigla kong maalalang wala nga palang klase ngayon.

Sabado nga pala.

At dahil nga gising na ang buong pagkatao ko ay wala nakong choice kung hindi ang lumabas na lamang at kumain sa cafeteria.

Tinatamad akong magluto ngayon, atsaka feeling ko nagsasawa na yung itlog na palagi siya ang iniluluto.

Tahimik lang naman akong naglalakad sa hallway, wala kasing mga estudyante at walang pasok.

Ewan ko ba, sa lahat ng makakalimutan ko yung walang pasok pa.

Pagpasok ko naman sa cafeteria ay mag iilan na ring estudyante at professor doon.

Natuwa naman ako ng makita ko si Naya sa dulong bahagi ng cafeteria kumain na din. Tinamad din sigurong magluto kagaya ko.

"One egg sandwich, one macaroni salad, and coffee." Order ko at naglakad na ako sa pwesto kung nasaan si Naya.

"Oy, Naya." Pagtawag pansin ko sa kaniya dahil mukhang hindi niya napansin na nasa harapan na niya ako dahil busy siya sa pagkain.

"Ikaw pala Khali, tinamad ka rin sigurong magluto kaya andito ka." Saad niya sa akin.

"Oo, dyusko baka magmukha na akong itlog kapag nag ulam pa ako ng itlog ngayon eh." Natatawang sagot ko naman sa kaniya.

"Matagal ka naman ng mukhang itlog." Seryosong sagot niya.

"Nahiya naman ako sayo, paki kamusta naman ako sa mga angkan mong shokoy." Sagot ko sa kaniya.

"Ay girl, yung boyfriend mong shokoy hinahanap ka na nga sa akin eh." Natatawang sagot naman niya.

"Nahiya naman ako sa ka holding hands mong bisugo nung nakaraan." Patol ko pa sa kaniya.

"Wow, para namang hindi ka nakipag holding hands sa isang bisugo." Natatawang sagot niya.

Magsasalita pa sana ako pero dumating na ang order ko kaya sinamaan ko na lamang siya ng tingin at nagsimula ng kumain.

Tumahimik na rin naman na siya. Wala na sigurong masabi.

"Oo nga pala, may gagawin ka ba ngayon?" Tanong ko sa kaniya.

"May ginagawa naman ako ah." Sagot niya.

"I mean, pwera sa ginagawa mong pagkain ngayon, may gagawin ka pa bang ibang bagay ngayong araw?" Tanong ko sa kaniya.

"Hmm, I plan to buy books sa bayan. I'm so bored na rin kasi minsan sa dorm." She replied.

"Want me to accompany you?" I asked.

"Nah, I want to be alone. No offense." Sagot niya.

"Nah, its fine. Kasi kung magpapasama ka, hindi rin kita masasamahan at may gagawin ako." Sagot ko.

"Eh bakit ka pa nagtanong?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa akin ng masama.

"Atleast, nagtanong ako. Considerate kasi akong nilalang, kahit hindi kita masasamahan atleast tinanong kita kung gusto mong kasama." Natatawang sagot ko sa kaniya.

Tumango lang naman siya at nagsimula na muling kumain.

Kumakain lang ako ng biglang may sumulpot sa likod ni Naya. Si kuya Henry.

Nakatingin lang ako sa kaniya at pinagmamasdan kung ano ang gagawin niya.

Ginulat niya si Naya, pero si Naya tuloy pa din ang kain na akala mo eh masamang hangin lang na dumaan so Kuya Henry.

"So cold naman." Saad ni Kuya Henry pertaining to Naya.

"Sakto lang naman ah, hindi naman malamig." Pilosopong sagot ni Naya.

"Ikaw, lagi ka talagang may sagot." Sagot ni Kuya Henry.

"Lagi ka kasing may sinasabi." Pamimilosopo pang muli ni Naya.

"Hey, I'm much older than you. Learn to respect me a bit okay?" Kuya Henry said.

"Ay uso pa pala ang respeto." Walang ganang sagot ni Naya.

"Sayo lang kasi hindi uso eh." Natatawang sagot ni Kuya Henry.

"Alam mo naman pala eh." Sagot ni Naya.

Hindi naman na sumagot si Kuya Henry at nakikain na lamang sa pagkain naming dalawa ni Naya.

Kadaming pera eh, hindi bumili ng sarili niyang pagkain.

"Siya nga pala, alam niyo na ba ang balita?" Tanong sa amin ni Kuya Henry.

"Hindi pa, ikaw lang naman kasi ang chismoso." Sagot naman ni Naya.

"So, ano nga ang balita?" Tanong ko naman.

"May paligsahan pala tayong sasalihan sa school ng Vampire clan." Sagot ni Kuya Henry.

"Legit ba yan? baka naman kung saang gilid gilid mo lang narinig yan ah." Natatawang sagot ni Naya.

"Hindi, totoo 'to. Si HM nga mismo nagsabi sa akin." Sagot naman ni Kuya Henry.

"Hala ka, lagot ka kay HM, hindi pa niya ina-announce pero ikaw chinichismis mo na sa iba, susumbong kita." Pananakot ni Naya.

"Sa inyong dalawa ko pa lang naman sinasabi." Dipensa naman ni Kuya Henry.

"Pa lang? so may balak ka talagang ichismis pa sa iba?" Natatawang sagot ni Naya.

Pero kidding aside, ngayon lang nangyari na gagawa ng paligsahan ang mga taga vampire clan. Hindi kasi sila mahilig sa mga ganon.

"So, dahil naikwento mo na samin na may paligsahan pala, kailan daw tayo aalis?" Tanong ni Naya.

"Hmm, sa isang araw dahil bibigyan kayo ni HM ng isang araw para maghanda ng mga dadalhin niyo at para ihanda ang inyong mga sarili." Sagot ni Kuya Henry.

Tumango tango lang naman kami ni Naya. Sakto pala, linggo bukas so makakapaghanda kami ng walang iniisip at pinoproblema.

"Hey, I have to go na. Pupunta pa akong bayan eh." Paalam ni Naya.

"Oh yeah, take care." Sagot ko sa kaniya.

"San ka punta?" Tanong ni Kuya Henry.

"Makikipag bonding kay Satanas, sama ka?" Nakangising tanong ni Naya.

"No thankyou, mauna ka na lang don." Sagot naman ni Kuya Henry.

Kumaway na lamang si Naya at umalis na.

"Kuya Henry, mauna na rin po ako ah. May aasikasuhin din kasi ako eh." Saad ko kay Kuya Henry.

"Oh sige, aalis na rin naman na ako at may gagawin rin ako." Sagot naman niya.

Nagpaalam na lang kami sa isa't isa at naglakad na ako papunta sa dorm ko para kumuha ng mga gamit ko.

Uuwi kasi ako ngayon sa amin dahil nagpadala ng sulat sila ina at ama na namimiss na daw nila ako, kung sabagay ay ilang taon na rin akong hindi umuuwi sa amin.

Nakapagpaalam na rin naman na ako kay HM.

Pagdating ko sa dorm ay umakyat na ako agad sa kwarto ko para kumuha ng ilang pirasong damit dahil uuwi rin naman ako bukas ng hapon.

Kinuha ko na rin yung mga pagkain at mga damit na nabili ko noong nagpunta kaming bayan, ibinili ko talaga ito para sa kanila.

Nang matapos na akong gumayak at lumabas na ako ng dorm ko.

Nagpapasalamat nga ako kay HM dahil binigyan niya ako ng karwahe na gagamitin ko papunta sa amin eh.

Nakita ko naman na yung karwahe na maghahatid sa akin.

"Ma'am ako na po ang maglalagay ng mga bagahe ninyo." Saad ng kutsero.

"Salamat po." Sagot ko naman.

Pagkalagay niya ng mga gamit ko ay sumakay na rin ako sa loob.

Nagsimula naman ng umandar ang karwahe at naisipan ko na matulog na lang muna dahil medyo mahaba pa ang byahe ko.

The Return of the HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon