Chapter 26

57 4 0
                                    

Zharnaya


Maaga akong gumising ngayon dahil mag eensayo ako. Dahil bukas na ang araw kung kailan kami pupunta sa Vampire clan para makilahok sa paligsahan na inorganisa nila.

After kong gumayak ay naglakad na ako papunta sa arena kung saan maaari kang mag ensayo dahil maluwag doon, panigurado din ay nandoon na rin yung mga Alpha.

Siya nga pala, kami lang Alpha ang maaring sumali sa paligsahan. Ganoon din ang ibang mga school na lalaban. Ang ibang estudyante ay maaaring mag punta sa paligsahan para suportahan ang school nila.

Pagdating ko sa arena , nandoon na nga silang lahat maliban sa akin. At may mga iilang guro din ako na nakikita pero hindi pamilyar sa akin. Siguro nandito sila para tulungan ang Alpha na mag ensayo.

"Hey, get your lazy ass here quick!" Sigaw sa akin ni Khali.

"I'm not lazy, i'm just slow. There's a difference, duh." I replied.

"Sasagot ka pa talaga." She replied.

"Malamang, alangan namang hayaan kita na asarin ako." Nakangisi kong sagot sa kaniya.

Napailing na lamang siya at bumalik na sa pag eensayo. Nung makita ko naman si Andy na nakaupo sa bench ay tumabi na muna ako sa kaniya.

"Ang sabi mag practice, hindi mag pahinga." Natatawang saad ko sa kaniya.

"For your information, kakatapos ko lang mag practice 'no." Sagot niya sa akin.

"Kailangan ba na may teacher na mag papractice sa atin?" I asked him.

"Nah, it depends on you." He replied.

Oh, great. Ayokong may mangingielam sa paraan ng pagpapractice ko maliban na lang kay Lolo T at mga god and goddesses.

"Ms. Zharnaya, hindi ka pa ba mag pa practice?" Tanong sa akin nung lalaking teacher, hindi ko siya kilala beh.

"Ah? you are?" I asked.

He smiled.

"Laurence. Sand manipulator." He replied.

"Oh, well sir Laurence I prefer to practice by myself." I said.

He just nodded. Tumayo na ako at lumapit sa mga dummies na nakahilera sa bandang gilid.

Tumayo naman ako doon at nagpalabas ako ng maliit na fire ball yung kasing laki lang ng bola ng tennis. Then ni released ko na iyon and then the dummies are now have the same hole in their stomachs.

Parang si Ace ng one piece at Rengoku ng demon slayer lang, pero sa tiyan yung tama ng mga dummies. HEHE :)

"You're good. There's a consistency with the way you attack." Sir Laurence commented.

"Thankyou, sir." I replied.

Then the next thing I do is pumunta ako sa cage na may robot na dummy. Naka program  yung robot dummy na yon to defend and attack as if its a power holder.

Inatake ko na iyong robot dummy and then the next thing is inaatake na rin ako nung robot dummy. Nagpapalitan lang kami ng atake ng mabored na ako. Kaya naman nilagyan ko na ng force yung sa part ng kamao ko at pagkasuntok ko sa ulo ng robot dummy ay natanggal at tumilapon yung ulo nung robot dummy.

"What the hell." Saad ng isang boses.

Pagtingin ko naman sa likod ko ay nagkumpulan na pala sila. Pinanunuod pala nila ako.

"Ah, I'll pay for it na lang po. I'm sorry." Alanganing saad ko. 

Jusko baka kasi magalit sila dahil sinira ko yung robot. Malay ko ba kung nag iisa na lang pala yan tapos sinira ko pa.

The Return of the HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon