ZharnayaKinabukasan
Maaga akong gumising ngayon dahil gusto ko sanang mag jogging, at dahil wala rin naman kaming pasok. Tumayo na ako at dumiretso na sa banyo para maligo at makaalis na. After ng ilang minuto ay natapos na rin ako at bumaba na rin ako.
Pagkababa naman ay naabutan ko si Mama na nagwawalis, si Papa ay hindi ko naman nakita mukhang pumasok na siya sa trabaho.
"Good morning, Ma." Bati ko kay Mama.
"Good morning din, Anak." Bati sa akin pabalik ni Mama.
"Saan ka pupunta? bakit nakaligo at nakabihis ka na?" Nagtatakang tanong ni Mama.
"Gusto ko po sanang mag jogging, Ma." Sagot ko naman.
"Ah, ganon ba. Oh sige, mag-iingat ka." Saad naman ni Mama at kumaway na lamang ako sa kaniya at tuluyan ng lumabas sa bahay namin.
Kinabit ko na muna yung earphone ko at nagpatugtog na ng kanta. Matapos non ay nagsimula na akong mag jogging.
Tahimik lang naman akong nag jo-jogging, marami pa nga akong nakakasabay eh. May mga teenager, mga couples, pati na rin mga matatanda.
Lumiko naman na ako sa isang kanto, dahil balak ko na sanang bumalik dahil medyo malayo na rin naman na yung natakbuhan ko.
Pero ng makalagpas ako sa isang eskinita, parang may naaninag ako na mga tao, pero hindi ko na pinansin dahil baka mga tambay lang.
Pero bigla na lamang akong napahinto ng makarinig ako ng mahinang boses.
"Pakiusap, ibalik ninyo na sa akin iyan." Saad nung boses.
"Tumigil ka na nga! sa amin na 'to!" Sagot naman nung isa. Lalaki siya, basi sa boses na naririnig ko.
Maging yung unang nagsalita ay lalaki rin, pero mukhang mat katandaan na ito base sa boses nito.
"Pakiusap, kahit kuhanin niyo na yung pera. Ibalik niyo lamang sa akin iyang wallet." Sagot naman muli nung matanda.
Luminga linga naman ako sa paligid para hanapin sila, nang bigla akong mapatingin doon sa eskinita na dinaanan ko kanina dahil doon ko naririnig yung boses.
Kaya naman walang alinlangan akong tumakbo sa eskinita na iyon at doon ko nga naabutan yung tatlong lalaki na mukhang nasa 20's pa lang. At nakita ko rin yung matanda na pinapaligiran nila, mukhang hino-holdap nila yung matanda.
"Hoy! Mga walangya! pati matanda na walang kalaban laban hino-holdap niyo pa!" Sigaw ko sa kanila.
At dahil doon at nakuha ko ang atensiyon nila, sabay-sabay naman silang tumingin sa pwesto kung nasaan ako.
"At sino ka naman?!" Sigaw nung isang lalaki.
"Kaya nga! huwag ka ng makielam dito!" Sigaw din nung isa.
"Kapag hindi ka pa umalis dito, pati ikaw malilintikan sa amin!" Sabi pa nung mukhang uranggutan na kasama nila.
"Ibigay niyo sa matanda yung pera at wallet niya, kung hindi kaya malilintikan sa akin." Seryosong saad ko naman sa kanila.
Kita ko pa ang ngisi sa mga mukha nila, akala siguro nila makakaya nila ko. Porket babae ako.
Tumingin naman ako sa paligid para magamit ko panangga kung sakaling may mga dala silang weapon. Napangisi naman ako ng makakita ako ng lumang baseball bat sa gilid ko at take note, bakal yung baseball bat.
Napatingin naman ako sa tatlong lalaki ng magsimula na silang maglakad papunta sa pwesto ko. Yung matanda, nakaupo naman sa sahig.
Ano ba, bakit hindi pa siya tumakbo para magtawag ng pulis. Manunuod pa ata sa laban namin.
BINABASA MO ANG
The Return of the Heir
FantasiaShe, who doesn't believe in any kind of fairytales and fantasies. She, who wants to live a simple and normal life. But, because of the things and changes that she discover about herself, she began to believe in those things that she doesn't think th...