Zharnaya
Heto ako, nakaupo pa rin sa classroom. Hindi nakikinig at iniisip pa rin kung bakit kaya hindi ko kayang maharangan yung sa paningin ko.
Kasi naman, paano kapag may hindi ako magandang bagay na makita? I can't accept that. My beautiful virgin eyes!
Sumasakit na din yung ulo ko sa mga nangyayari sa akin, una naghihilum yung sugat ko, pangalawa nakakarinig ako kahit malayo, pangatlo kaya ko rin makakita sa malayo. At panghuli nakilala ko si Lucil at nalaman na isa pala akong bampira.
Bampira rin kaya sila Mama at Papa? pero parang hindi naman eh. Kasi, sa tagal ng nakasama ko sila wala naman akong napapansing kakaiba sa mga kinikilos nila.
Napadukdok na lang ako sa lamesa dahil na i-stress na talaga ko. Si Aubrey, akala ko nakadukdok lang natutulog na pala.
Pero bigla na lang akong napaangat ng ulo ng marinig ko ang boses ni Chelsea, hindi kase siya pala salita kaya nagulat talaga ko ng marinig ko ang boses niya.
"Ang tagal naman matapos ng klase, nakakatamad." Sabi niya pa.
Kaya tumingin ako sa kanan ko para sana tanungin siya kung anong nakain niya at nagsalita siya ngayon.
"Huy Chel--" Napatigil naman ako ng makita kong tahimik lang naman siyang nakatingin sa harap na akala mo nakikinig talaga sa sinasabi ng guro namin.
Ha? I swear I heard her voice. Weird.
Hindi ko na lang pinansin yon, baka guni-guni ko lamang iyon at dumukdok na muli sa lamesa. Pero napaangat muli ako ng marinig ko na naman ang boses niya.
"Nakakaantok na hanep, bakit ba ang tagal ng klase." Naiiritang sabi niya.
Kaya napatingin ulit ako sa kaniya, and to my suprise. She's not talking. Her lips is not moving.
What the hell?! Ano nangyayari?
Nakatulala lang ako ngayon sa kaniya, hinihintay siyang magsalita ulit. Nagulat naman ako ng tumingin si Chelsea sa akin, mukhang napansin niya na may nakatingin sa kaniya.
Nakatingin lang siya sa akin ng may pagtataka sa mukha, pero hindi siya nag sasalita. Pero halos mapasigaw ako ng marinig ko ang boses niya, pero hindi bumubuka ang bibig niya.
"Bakit kaya nakatingin sa akin si Zharnaya? may dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya.
And, I really hear her voice. But, the hell? she's not even talking. Her mouth is still shut off.
And then, I realized something. I often hear this kind of things eh.
Mind reading.
so, I can read minds now?! Fvck! Hindi ko na alam talaga ang gagawin ko.
Nag iwas na lang ako ng tingin kay Chelsea. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bag at nilagay ito sa ilalim ng lamesa ko para hindi makita ng teacher ko.
Binuksan ko ang browser at sinearch ang mind reading.
Kung nagtataka kayo paano ako nakakapagsearch kahit nasa school. Well, may free wifi kami. Mayaman school namin no.
Yung school lang, hindi yung mga estudyante. Mahihirap lang kami. Ganda lang ambag namin sa pilipinas.
After kong i-search ang mind reading ay nag scroll lang ako, and to my surprise most of the people with special abilities or powers have the ability to read minds. But the most common creatures that can read minds are the vampires.
"Vampire." Mahinang bulong ko.
At bigla naman akong napatingin sa maputi kong balat. To be honest, madaming nagsasabi na parang hindi na daw normal ang puti ko.
BINABASA MO ANG
The Return of the Heir
FantasiShe, who doesn't believe in any kind of fairytales and fantasies. She, who wants to live a simple and normal life. But, because of the things and changes that she discover about herself, she began to believe in those things that she doesn't think th...