Zharnaya
Nang mawala na si kuyang naka suit ay tumayo na si Mama para magluto ng umagahan, napurnada daw ng dahil bigla ngang dumating si Mr. Henry.
Ako naman ay dumiretso na sa banyo para maligo, balak ko sanang lumibot sa mall.
Umakyat na ko sa kwarto ko, at ilang minuto lang ay bumaba na ko para kumain para diretso alis na ko agad.
Matapos akong kumain ay nagpaalam na ko kila Mama na aalis na, lumabas muna ako ng kanto namin at naghintay na ng jeep, ilang minuto lang ay may dumating na na jeep kaya sumakay na ko.
Tahimik lang ako at nag sa soundtrip lang sa byahe, iniisip ko rin na dati ang tahimik lang ng buhay ko, ang simple lang tapos ngayon kailangan ko ng lumipat ng school.
Mga ilang minuto pa ay nakarating na rin kami sa babaan, at naglakad lang ako ng ilang minuto at nakarating na rin ako sa mall.
Damang dama ko naman yung lamig ng aircon pagpasok ko pa lang sa mall, masaya akong naglakad papunta sa 2nd floor dahil nandoon karamihan ang mga stores na puro damit, mga bagong damit kase ang balak kong dalhin sa Majika Academy.
Masaya lang akong namimili ng damit ng biglang may bumungo sa akin. Napatingin naman ako agad doon sa bumungko sa akin.
"Hala, miss sorry po, hindi ko sinasadya." Paumanhin nung babae.
Ang ganda niya ha, i mean she's like a foreigner.
Ngumiti naman ako sa kaniya, at sinabing "It's okay, hindi naman ako nasaktan eh, ikaw ba? are you alright?" Malambing na tanong ko sa kaniya.
"Yes, thank you and im sorry again." Paumanhin niya ulit at yumuko pa ng konti.
Napangiti naman ako dahil masyado naman syang nag-aalala, para nabungo lang eh.
"Its really okay." Sagot ko sa kaniya, at sinabing mauuna na muna ko.
Kumaway naman muna siya sa akin bago siya tumalikod at hitakin ng mga kasama niya, dami niyang kasama ah, bali lima sila eh.
Tatlong babae at dalawang lalaki.
Hindi ko na sila pinansin pa at nagpatuloy na sa pag pili ng damit, matapos akong mamili ay dumiretso na ko sa fast food chain dahil nagugutom na ko, nakakapagod kaya mamili at magsukat ng damit.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil pagpasok ko naman sa jollibee ay kakaunti lang ang tao, dumiretso na agad ako sa pila at matapos ang tatlong nakapila sa harap ko ay ako na, umorder lang ako ng rice, chicken, burger at fries. tahimik lang akong kumakain ng makarinig ako ng mga bulungan.
"Ang pogi naman nila."
"Ang gaganda naman nila."
"Mga foreigner kaya sila?"
Sabi pa ng isa, na curious naman ako sa sinasabi nila kaya napatingin na din ako sa pinagtitinginan at pinag uusapan nila, at sa entrance ay andoon yung limang tao na nakita ko kanina sa 2nd floor.
Napangiwi naman ako ng makitang halos lahat ng customer sa jollibee ay nakatingin sa bawat kilos nila, ano ngayon lang nakakita ng magaganda at gwapo? hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy na sa pagkain.
After ko kumain ay tumayo na ako para makauwi na rin agad. Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa sakayan papauwi sa amin.
Sumakay na ako at tahimik lang na nagse cellphone.
Napataas naman ang kilay ko ng makita ang chat ni Aubrey.
"Hey, mga poknat. Libot tayo." Chat niya.
"Nasa La union ako, kasama parents ko." Chat naman ni Janine.
Kung saan saan na talagang lupalop napupunta 'tong si Janine. Kamag-anak ata si Dora.
"Diyan ka na magtira, Janine. Huwag ka ng umuwi HAHAHA." Chat naman pabalik ni Aubrey.
Natawa naman ako ng magsend si Janine ng Angry Emoji.
"Pauwi na ako, galing sa libutan. Nag mall ako." Chat ko naman.
"Mga traydor kayo!" Chat naman ni Aubrey.
"Hindi sana masarap ulam niyo! Atsaka kapag nangati sana likod niyo, hindi niyo makamot! Mga bwiset!" Dagdag pa niya.
Napangiti naman ako dahil sa chinat niya na yon, hindi ako makatawa dahil nakakahiya sa mga katabi ko.
Nagsend lang ako ng HAHA emoji at inoff na ang phone ko, dahil malapit na rin pala ako sa bahay namin.
At after 5 minutes nga ay nasa tapat na ako ng bahay namin.
"Ma, Pa, Lola. Andito na po ako." Saad ko habang tinatanggal ang sapatos ko.
"Kumain ka na dito nak." Alok ni Papa.
"Hindi na po, Pa. Kumain na po ako sa mall eh. Akyat na po ako sa kwarto ko." Sagot ko naman.
Tumango naman sila at tuluyan na akong umakyat papunta sa kwarto ko.
Hindi na muna ako nagpalit at humiga na muna ako dahil sa pagod.
Nakapikit lang ako ng bigla akong may marinig na boses ng isang babae. Boses yun ni Lucil alam ko. Pero ang ipinagtataka ko ay kung bait k naririnig ang boses niya kahit wala naman kami sa loob ng panaginip ko. Kaya naman bigla akong napadilat.
Shit, minumulto na ata ako ni Lucil.
"Zharnaya." Tawag ulit sa akin ng pamilyar na boses na iyon.
Luminga linga naman ako sa paligid ngunit wala namang ibang tao sa kwarto ko kung hindi ako lang.
"Zharnaya." Tawag nitong muli sa akin.
"Lucil? magpaki--" Naputol ang sasabihin ko ng bigla na lamang dumilim ang paningin ko.
Pagdilat ko ay nasa lugar na naman ako kung saan kami nagkikita ni Lucil.
Bumungad naman sa akin ang nakangiting si Lucil.
"Ano ngini-ngiti mo diyan?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Akala mo naman hindi niya ko tinakot sa ginawa nyang iyon kanina.
"Masaya ako, dahil mapupunta ka na sa lugar kung saan ka talaga nararapat." Sagot naman niya sa akin.
"Yeah, may nagpunta sa bahay namin. Alam ko naman na alam niyo na iyon dahil binabantayan ninyo ako." Sagot ko naman.
"But, Lucil. Kapag ba nagpunta ako sa Majika Academy na yon, magkikita ba tayo doon?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Hmm, hindi. Dahil sa ibang lugar kami nararapat." Sagot naman niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kaniya.
"Malalaman mo rin sa tamang panahon." Sagot naman niya.
Ano yon? ALDUB? Tamang panahon?
"Siya nga pala, simula bukas ay dadalhin kita sa lugar kung saan may mga magic user na maaaring magturo sayo sa paggamit ng iyong kapangyarihan. Ngunit huwag kang mag-alala dahil sa gabi ka lang naman mawawala. Para hindi maghinala ang mga magulang mo, dahil kapag umaga ka mawala ay baka ano pang isipin nila na ginagawa mo." Mahabang paliwanag naman ni Lucil.
"Paano naman kung bigla akong puntahan dito ng magulang ko sa kwarto, at nadatnan nila ako na wala?" Tanong ko naman sa kaniya.
"Huwag kang mag-alala, dahil gagawa ako ng isang ilusyon na nasa kwarto ka kahit wala ka naman talaga doon." Sagot naman ni Lucil.
"Osige, naiintindihan ko." Sagot ko naman.
"Mabuti naman kung ganon. Aalis na ako, at para makatulog ka na rin." Paalam naman ni Lucil.
Kumaway na lamang ako sa kaniya ng unti-unti na siyang nawala.
BINABASA MO ANG
The Return of the Heir
FantasyShe, who doesn't believe in any kind of fairytales and fantasies. She, who wants to live a simple and normal life. But, because of the things and changes that she discover about herself, she began to believe in those things that she doesn't think th...