Zharnaya
Nasa gubat na kami ngayon, wala akong makitang mga estudyante. Kahit yung mga Alpha eh hindi ko makita.
Tiningnan ko naman yung mga puno, naghahanap ako ng mataas na puno dahil yun ang gagamitin ko para makita ko yung ibang mga estudyanteng nagtatago.
Nang makaakyat na ako ay tiningnan ko na ang buong paligid, by the way dati kasi akong akyat bahay kaya may talent ako sa pag akyat.
May iilan akong mga estudyanteng nakikita, mga hindi pamilyar sa akin.
May nakita akong babaemg estudyante na malapit sa pwesto ko kaya naman bumaba na ako ng puno at itinago ko ang presensya ko.
Isa nga rin pala ito sa itinuro sa akin ni Ariella, hindi ko na lang nabanggit dahil nakalimutan ko na rin.
Mabuti na lang at malinis ang daan, wala akong maaapakan na dahon kaya hindi maaalerto yung babae sa akin lalo na at nakatago ang preseniya ko.
Malapit na ako sa kaniya ng bigla kong hawakan ang ulo niya at nahimatay siya. Pagka bagsak niya ay kinuha ko na yung flag na hawak niya.
Iniwan ko naman na siya doon at liliko na sana ako ng may makasalubong akong lalaki. May hawak rin siyang flag.
"Wa--" Hindi na niya natapos yung sasabihin niya dahil mabilis kong kinuha yung flag niya at nag teleport.
Nakangiti ako ngayong naglalakad sa loob ng gubat habang nakatingin sa dalawang flag na hawak ko. Tatlo na lang kasi ang kailangan ko at pwede na akong umalis dito.
Tahimik lang akong naglalakad ng mapansin kong may kakaiba sa puno na nasa tapat ko ngayon. Parang gumagalaw tapos may anino eh.
"Viel." Tawag ko. Alam kong si Viel iyon.
Lumabas naman siya, at nawala na yung gumagalaw sa puno.
"Here." Kaswal na saad niya sabay abot sa akin nung flag na hawak niya.
"Baliw, hindi ko naman kinukuha." Nagtatakang sagot ko sa kaniya.
"Nah, I insist. Para hindi ka na rin mapagod." Kibit balikat niyang sagot.
"Thanks." Nakangiti kong kinuha sa kaniya yung flag.
Jusko, aarte pa ba ako. Siya naman nag insist eh, hindi ko naman pinilit duh.
Iba talaga ang epekto ng ganda ko.
"Hey, alis na ako. I need two more flags eh. See ya." Saad ko kay Viel at iniwan ko na siya.
Habang naglalakad ako ay napapalingon ako sa paligid dahil naririnig ko yung mga ingay nung espada at ibang weapons na nag ka clash.
Buti na lang at wala pa akong na eencounter na makakalaban. Buti madali ko lang nakuha yung tatlong flag na hawak ko ngayon.
Nakangiti lang ako habang naglalakad at iwinawagay-way yung flags na hawak ko ng may biglang sumulpot na lalaki sa harapan ko.
"Who are you?" I asked him.
He's pale. Mukha siyang kinulang sa red blood cells katulad ko.
Mukhang bampira din siya.
"Rizel is the name, Mi Lady." Nakangiting saad niya sa akin.
"Oh, Zharnaya." Nakangiti ko namang sagot sa kaniya.
He seems kind and harmless.
"Will you give me your flag? or not?" I asked him.
"And if I don't?" He asked.
"I'll do anything to take it from you." Nakangisi kong sagot sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Return of the Heir
FantasiShe, who doesn't believe in any kind of fairytales and fantasies. She, who wants to live a simple and normal life. But, because of the things and changes that she discover about herself, she began to believe in those things that she doesn't think th...