Chapter 30

68 4 0
                                    

Khali

Nabulabog yung maganda at mahimbing kong pagkakatulog ng bigla na lang akong tapukin sa noo ni Xander.

"Putragis kang hayop ka, mabunot sana lahat ng balahibo mong gunggong ka!" Sigaw ko sa kaniya.

Kasakit nung pagkakasapok sa noo gago, gising diwa ko eh.

"Tanghali na ho kasi senyora, ikaq na lang ang natutulog pa. Yung tulo laway mo kasi baka umabot pa sa talampakan mo." Sagot naman niya sa akin.

Pagtingin ko sa paligid ay gising na nga silang lahat, ako na nga lang ang natutulog pa.

"Pwede naman akong gisingin ng maayos." Sagot ko sa kaniya habang tinitingnan ko siya ng masama.

"Akala mo namang sapat na yung maayos na gising para gisingin ka?" Natatawang sagot niya.

"Baka nga pumuti na ang agila, tulog ka pa." Natatawang gatong naman ni Andy.

"Mga bwiset, diyan na nga kayo." Dabog ko at nag diretso na sa banyo para maligo.

Nakabihis na rin kasi sila, mga wala talagang konsiderasyon.

After ko maligo ay nagbihis na rin ako. For your information, dala ko yung damit ko sa banyo kaya dito na rin ako nagbihis. Alangan namang sa labas ako magbihis, ano libre live show sila? neknek nila.

Pag labas ko naman ay nakatayo na silang lahat at mukhang aalis na kung sino ko pa sila naabutan.

"Bilisan mo, nagugutom na ako." Maktol ni Xander.

"Eto na ho, kamahalan." Sagot ko sa kaniya sabay irap.

Bumaba na nga kami, sa dining area kami kakain. Oo may dining area sila dito sa baba. Parang mga hotel.

At talagang parang hotel ang ganap dahil pipila ka para makakuha ka ng pagkain mo. Ikaw ang kukuha ng pagkain mo sa mga nakahilerang pagkain.

Nagpunta naman na kami doon at kumuha na ng plato. Sunod sunod lang naman kaming kumukuha.

Ang kinuha ko lang ay rice at bacon, and some fruits. Hindi naman kasi ako ganon ka gutom.

Nakasunod lang naman kami kay Andy papunta sa lamesa na nakita niya.

Umupo naman na kami at nagsimula ng kumain.

Tahimik lang kaming kumakain ng maalala ko si Naya.

"Hey, asan na kaya si Naya?" Tanong ko sa kanila.

"Malay namin, magkakasama tayo eh." Sagot ni Xander.

"Bak--" Hindi na natapos ni Andy yung sasabihin niya ng bigla na lamang may umupo sa tabi ko.

May isa pa kasing bakanteng upuan yung lamesa namin.

Pagtingin naman namin ay si Naya pala. Speaking of the devil.

"Penge." Saad ni Naya at isa isang kumuha ng pagkain sa mga plato namin.

"Mygod, gumamit ka naman ng tinidor." Maktol ko sa kaniya. Kinamay ba naman kasi yung mga ulam namin.

"Hey, kamusta naman ang pag stay mo sa palasyo ni God of Death?" Tanong ni Xander.

"Hmm, ayos naman. Malambot at malaki yung kama." Sagot ni Naya habang ngumunguya.

"By the way, alam mo ba kung bakit ka nila ininvite na doon matulog sa kanila?" Tanong namann ni Andy.

"Hmm, hindi eh. Siguro kinulit lang sila ni Zhiara." Sagot niya.

The Return of the HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon