Chapter 1 : Meeting Lucil

523 13 0
                                    

Zharnaya

Kring! Kring!
Nagising na lamang ako sa pagkaka tulog dahil sa ingay ng alarm clock ko. Wala naman na akong nagawa kung hindi ang bumangon na at maghanda na sa pagpasok.

Lunes na naman kasi ngayon, ang pinaka ayaw na araw ng mga estudyante. Kaya naman dumiretso at pumasok na ako sa banyo para maligo.

Ilang minuto lang ay natapos na ko, at nagpasya na akong bumaba dahil paniguradong nakahanda na ang almusal namin.

At hindi nga ako nagkamali, dahil pagka baba ko ay nadatnan ko na si mama at papa na nakaupo na sa lamesa at mukhang ako na lamang ang hinihintay.

"Good morning Mama, Papa." Bati ko sa kanilang dalawa.

"Good morning din anak." Bati naman nilang dalawa sa akin habang nakangiti pa.

Naupo naman na ko at nagsimula na kong magsandok ng kanin at kumuha ng ulam. Tahimik lang kaming kumakain, hindi naman awkward yung katahimikan kase, sanay naman kaming kumain ng tahimik dahil wala rin naman kaming pag-uusapan.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin akong kumain, nauna na akong tumayo at magligpit dahil baka ma late pa ko. Dinala ko na sa kusina ang pinagkainan ko, at aalis na sana para pumasok ng makakita ako ng mansanas.

At dahil nga paborito ko ang mansanas hindi ko na papalagpasin ang pagkakataon na kainin 'to hano. Naisipan ko naman na kainin na lang yung mansanas habang nasa byahe kaya kumuha na ako ng kutsilyo para balatan yung mansanas.

Kung nagtataka naman kayo kung bakit kailangan ko pang balatan yung mansanas kung sa byahe ko naman kakainin, ay dahil ilalagay ko naman siya sa plastic 'no.

Hindi naman ako sanay kainin yung mansanas na may balat pa, kahit pa sinasabi nila na nasa balat ang sustansya. Bakit ba, ako naman ang kakain eh. Huwag silang pala desisyon.

Nang makuha ko naman na yung kutsilyo ay maingat naman akong nagbabalat, kaso lang tanga ata talaga ko, dahil bigla na lang nahiwa yung hintuturong daliri ko.

Agad ko naman hinugasan ang sugat ko, at kamuntikan pa kong mapamura ng makita kong wala ng sugat sa daliri ko.

Gago, ano yon magic? Ineengkanto na ata ako.

Halos idutdot ko na yung daliri kong may sugat kanina sa mata ko para lang makita kung nawala ba talaga yung sugat, at hindi nga ako nagka mali dahil wala na nga talagang sugat.

Kukunin ko pa sana yung kutsilyo para sugatan yung kamay ko ng bigla akong tawagin ni mama.

"Anak, ano pa ba ang ginagawa mo diyan? Baka ma late ka na sa klase." Sigaw sa akin ni Mama.

"Sandali lang po Ma." Sigaw ko naman pabalik.

Napabuntong hininga ko namang binaba ang kutsilyo at nilapag na rin yung mansanas.

Uunahin ko pa ba yung mansanas eh may mas importante pang nangyari sa akin.

"Anak, ano ba lumabas ka na diyan." Sigaw ulit ni Mama.

Dali dali naman akong lumabas ng bahay dahil nakita kong male late na pala ako. Ipinagsa walang bahala ko na lang muna yung nangyari at lumabas na.

Mamaya ko na lang iintindihin yung nangyari. Nag hintay lang ako saglit sa kanto namin ng ilang minuto, at dumating na din yung jeep.

Sumakay na ko agad at binigay ko na rin yung bayad. Balak ko pa sanang mag 123 kaso baka bigla kong marinig si Lord na tinatawag na ko sa taas eh, kaya huwag na lang.

Hindi ko na dadagdagan mga kalokohan ko sa buhay.

Nakatingin lang naman ako sa labas ng bintana, hindi ko pa rin kasi maalis sa isip ko yung nangyari kanina kaya tinignan ko ulit yung nahiwang daliri ko kanina, at wala talagang bakas ng hiwa o sugat man lang.

The Return of the HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon