Chapter 43 - Kay Tagal Kitang Hinintay

1.3K 30 10
                                    



'Sshhh... OK na yun, Choc. Wag na nating pag-usapan.'

Ang pabulong na pagpigil ni Nathaniel sa sasabihin pa ng katabi.

Muli ay namayani ang katahimikan matapos ang sinambit ni Nathaniel. Sa loob ng ilan pang minuto ay pinakiramdaman niya ang loob ng taxi habang nakapikit, tuloy lamang ang byahe at mahinang musika nang marinig muli niya ang tinig ni Ren.

Bulong lamang iyon subalit dinig niya ang linaw ng mensahe nito.

'Si Paula yun... bestfriend ni Erin, d-'

Pikit-matang bumuntong-hininga si Nathaniel dahil sa kawalan ng interes sa narinig saka nagsalita upang pigilan ang irog sa pamumutawi.

Pinisil marahan pa niya ang kamay ng kasintahan.

'Choc, 'di mahalaga sa'kin kung sino si Paula or Erin, OK? Wag mo na-'

'I stole Kenneth from Erin a long time ago.'



▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Forty-Three █ ▆ ▅ ▃ ▂



Kay Tagal Kitang Hinintay



3rd Person POV



'Suotin mo na 'to...', mungkahi ni Nathaniel.

Inabot ni Ren ang plain white sando at shorts. 'Salamat.'

'Andun na 'yung twalya ko sa banyo, may sabon at shampoo na din do'n.'

'Sige, salamat.'


Lumakad si Ren patungo sa maliit na banyo sa bandang kusina. Pagkapasok sa loob ay agad niyang hinubad ang mga damit at nagsimula na sa pagligo.

Tulad ng pasya niya ay nagpasya siyang sa bahay ng nobyong si Nathaniel matulog upang palipasin ang gabi. Matapos ang halos tatlumpung minuto ay lumabas na si Ren ng banyo suot ang mga pinahiram na damit. Muli niyang nilibot ang maliit na kusina na karugtong ng maliit na banyo patungo sa sala.

Pahakbang siya patungo sa pinto ng silid ng magkapatid na Amoroso nang lumabas si Nathaniel habang si Ren ay nagpupunas ng buhok gamit ang twalya.

Nakatapis lamang ang binata nang salubungin niya ang kasintahan. Akmang yayakap si Nathaniel nang tapikin ni Ren ang dalawang kamay nito at tinulak ang una papasok ng banyo upang makaligo na rin.


'Kung ano-ano pang naiisip mo, maligo ka na, gabi na.', si Ren.

'Opo.', kakamot-kamot sa ulo si Nathaniel na tumalima. 'Pasok ka na sa kwarto, andun si Dek sa kabila, magtatabi na lang daw sila ni Lola.'

'Ok... sige na baka lamigin ka pa, bilis.', pabu;ong na utos muli ni Ren.

'Tss, inuutusan mo talaga ako sa sarili kong bahay? Astig ah!', may ngising tukso ni Nathaniel.

'Pag di ka pa pumasok, uuwi na lang ako...', amba naman ng isa.

'Ay wag naman, eto na nga o!', sabay pasok sa banyo ng nakatapis.

'Igihan mo pagsabon ah, amoy pawis ka na.', anas ni Ren sa makitid na siwang ng pinto ng banyo.

'Yes Sir!', sagot ni Nathaniel mula sa loob kasabay ng lagaslas ng tubig.

Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon