Nakita ko sa menu na maiksi lang yung message pero sa isip ko baka mahaba at malaki lang ang spaces na gamit ng sender or something like that,. Pwede rin scam.
I tapped the screen to read the full content.
Nagsalubong ang mga kilay ko sa ikli ng mensahe.
'Yon lang talaga ang laman.
At binasa ko.
save my no... senxa na
Tss, sino ba 'to?
Uhm, baka mga naghahanap lang 'to ng textmate.
Curious, I read the second one from same digits.
Pero dapat pala 'di ko nalang binasa.
btw I got ur # frm Will âsi Kier 'to
Naknam!
âւ âփ âօ âֆ âֈ Chapter Fifty-Three âֈ âֆ âօ âփ âւ
Can Nat Be Reached
'Kawalan n'ya kung ganun noh!'
'Boni, ano ka ba?!'
'Hay naku, hindi mo ba narinig gurl?'
'Two weeks pa lang naman... saka wala namang sinabi na break na sila 'di ba... so it means sila pa din.'
'So, cool off ampeg? Genern?!'
'Siguro... teka, sino ba kasi 'yang tine-text mo?'
'Secret. Hihihi.'
'Umupo ka na nga dito, kita mo'ng mahalaga ang pinag-uusapan, panay text mo dyan. May I remind you na nandito tayo para damayan ang kaibigan natin, at hindi para makipaglandian ka, duh?'
'Opo, mother superior, uupo na po... eto na oh, oh, ayan.'
'Che!'
Ikatlo ng hapon.
Araw ng Sabado.
Sa loob ng silid ni Ruby sa kanilang tahanan ay magkakasama silang nag-uusap upang tulungan ang kaibigan sa problema nito. Habang nagbabangayan ang dalawa ay tahimik lamang sa kama si Ren, nakaupong pasandal sa headboard, yakap ang isang unan.
Naupo si Boni sa tabi ni Ren at niyakap ito saglit at bumitaw bago magsalita na may napaplaster na pilit na ngiti.
'So anong plano mo gurl?' mahinahong tanong nito.
'E-ewan ko... ayaw niyang sagutin ang texts at tawag ko eh.', kiming tugon ni Ren.
'Gaano n'yo ba katagal kasi balak patagalin yan away n'yo?', si Ruby naman na tumabi na rin sabay ismid kay Boni.
Napapagitnaan si Ren â si Boni sa kaliwa; sa kanan si Ruby. Pareho ang tatlo na may kayakap na mga unan, at nakasandal din sa headboard ngunit magkakadikit ang mga braso. Pareho sila ngayong mga Biyernes-Santo ang mukha.
Naging tahimik ang mga sumunod na sandali. Bahagyang tumigil na sa pag-iyak si Ren matapos niyang maibahagi sa dalawang malapit na kaibigan ang dalang suliranin. Nang hindi sumagot si Ren ay si Boni na mismo ang bumasag ng katahimikan.
'OK, ganito lang yan e...'
Umalis pa ito sa pagkakasandal sa headboard upang harapin ang dalawang kaibigan. Naghihintay naman ang mga kausap sa sasabihin.
![](https://img.wattpad.com/cover/12198121-288-k396259.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]
Sonstiges"Ang sabi mo mahal ka niya, pero Michael matagal na yun... paano kung hindi na ngayon?" ~ Ikalawang Aklat