Nang ibaba ang cellphone ay naalala naman niya ang payo ni Phillip noong mag-usap sila gayundin ang binitawan niyang salita sa puntod ng dating bestfriend.
...ipagtapat mo na lang ang tunay na kasalanan mo sa kanya whether he forgives you or not. Tapos bumitaw ka na. Closure is what you need...
‘Sorry mga Tol, that was what I had in my mind earlier but it didn’t happen.’
Sa kanyang gunita ay tinimbang niya ang mga posibleng mangyari sa susunod na araw.
Bahala na!
▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Eleven █ ▆ ▅ ▃ ▂
Oh My God!
Nagising si Ren.
Sabado ng umaga.
Dalawang araw lumipas matapos ang pagbisita niya at ni Michael sa puntod ni Jerry.
Ilang minuto din siyang nakahiga lang, minamasdan ang paligid ng kanyang silid hanggang sa mapunta ang kanyang mga mata sa bedside table. Nakatitig siya sa relong nakapatong dito. Pagdakay bahagya siyang bumangon, binuksan ang drawer at nilabas ang isang lumang bagay.
Isang black journal binder.
Umayos siya ng sandal sa headboard ng kama habang nakabalot sa kumot ang kalahating ibaba ng katawan. Nakapatong ngayon sa kanyang hita ang binder.
Pinadaan niya ang mga daliri sa harap na cover nito at napangiti.
Six years na kitang kasama, ang tagal mo na pala sa akin.
Saka niya binuklat ito.
Sa bungad pa lang ng unang pahina niyon ay nagbalik muli ang mga lumang alaala ilang taon na din ang nakaraan. Hindi na mabilang kung ilang beses niya itong nakita at nabasa pero sa tuwing gagawin niya iyon ay hindi niya maiwasang ngumiti. Lalo na sa tuwing maalala niya ang reaksyon ni Kenneth sa tuwing kinukulit niya ito para ipaliwanag ang detalye sa likod ng bawat mensahe – bagay na madalas nilang pagtalunan ngunit kalauna’y susuko din si Kenneth at ikukwento kay Ren ang lahat.
I really miss you, Love.
Bahagyang naninilaw na ang mga pahina pero malinaw pa din ang mga salita nito na siyang naghahatid kay Ren ng masasayang alaala. Alaala ng taong kanyang tunay na minahal, pinahalagahan at matiyagang hinihintay ang pagbabalik.
Binasa niyang muli ang sulat sa maliit na papel na nakadikit naman sa unang pahina.
==== WELCOME, LORENZO ====
Ipinagpatuloy niya ang pagbasa sa bawat pahina.
Natatawa, sisimangot, iismid, tatawa muli, minsa’y malulungkot tapos ay ngingiti uli – iyon ang kanyang mga reaksyon sa nababasa. At kahit ilang ulit pa’y hindi siya nagsasawang basahin ang mga iyon dahil iyon ang isa sa alaalang iniwan sa kanya ng taong mahal na mahal siya at ganun din siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/12198121-288-k396259.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]
Random"Ang sabi mo mahal ka niya, pero Michael matagal na yun... paano kung hindi na ngayon?" ~ Ikalawang Aklat