(Prologue)

3.3K 82 14
                                    

 

IKAW PA RIN ANG INIIBIG KO

 

 

 

“What the heart has once owned and had, it shall never lose.”

~ Henry Ward Beecher

  

▂ ▃ ▅ ▆ █  P R O L O G U E  █ ▆ ▅ ▃ ▂ 

 

 

 

 

Ken.’

‘Wag kang bastos...kinakausap ka pa namin.’

‘Ken, we’re not done yet.’

Ang patuloy na pagtawag ni Miranda sa anak matapos ang mainit na pagtatalo.

‘Ken... Kenneth, come back here.’

‘Kenneth!’

Palabas ng malaking gate ang 19 na taong gulang na binata nang ito ay tumigil sa paglalakad dahil sa malakas at huling pagtawag ng ina.

'Ke--'

‘What Ma?!’

‘I said, get back inside the house this instance!’

‘No Ma. I know what you’re trying to do...’

‘Yes, you will, this very instant, or el—‘

‘Or else what, Ma? What?! You and Dad are gonna shut me out from this family? Exclude my name on your will? Go ahead. I’m sick of it anyway.’

‘Stop it Kenneth, you’re being rude now. I’m still your mother.’

‘I know Ma, but please... understa--’

‘Understand what? Ipagsisiksikan mo yang sarili mo sa baklang yun? What’s happening to you? Hindi ka namin pinalaki para sumama sa tulad n’ya.’

‘Ma! Don’t call him that way! Irespeto nyo ang taong mahal ko!’

‘I’m just telling the truth.’

‘If that’s how you see it, then wala akong pinagkaiba sa kanya, dahil mahal ko s’ya.’

Tumalikod at nagpatuloy sa yapak ang binata.

‘Ken!’

‘Kenneth!’

‘I’m leaving Ma! It’s suffocating here.’

‘Ken!’

‘Kenneth, I’m telling you, if you take one more step, you’re gonna regret it!’

Napahinto ang binata sa tinuran ng ina. Nakatalikod pa din ito dala ang sama ng loob. Habang ang kanyang ama ay lumabas na din sa frontdoor ng mansion katabi ng kanyang ina.

Handa ng baliwalain ng binata ang banta ng ina at humakbang pa ito.

‘If we can not convince you, then ako ang mismo ang makikipag-usap sa kanya para bitawan ka na niya. I know he’s the reason why you keep on resisting. Nilason na n’ya ang isipan mo.’

Mabilis na tumalikod ang binata upang harapin ang kanyang mga magulang.

‘No, Ma... you won’t do that...’

‘Oh, I can, and I will 'pag hindi ka nakinig sa amin ng Daddy mo.’

Bakas ang galit kasabay ng lungkot sa mga mata ng binata, tumingin siya sa mga mata ng ama upang himingi ng simpatya ngunit bigo sya dito.

‘Ma, Dad... just this once... please... until graduation...’

‘Pinagbigyan ka na namin kahit alam mong tutol kami sa relasyon nyo. Pinagbigyan ka na naming pati pag-transfer mo, but this time, it’s different, Son.’

‘How so Dad!? How is this different from before?’

Sa pagkakataon naman na iyon ay nakita ng binata ang tingin ng naniniguradong ina bago niya marinig ang madiing pananalita nito.

Pupunta ka ng Berlin...? o ako mismo ang pupunta sa Lorenzo na yun para sabihin sa kanya ang katotohanan? You choose.’

 

 

April 30, 2014

©MAHARETTISTHENAME

Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon