Huminto na ang mga tinig.
Minasdan ng binata ang maliit na screen ng nano device. Pinindot niya ang play button at umulit na sa simula ang usapan ng mga tinig. Sa pagkakataon ay natanto niyang hanggang doon lang ang nilalaman ng recording at umulit na ito sa umpisa. Inalis niya ang earpiece at sumampa na sa kanyang kama.
Pagod ang katawan, masakit ang damdamin at mga mata ay nilapat ni Michael ang likod sa malambot na higaan.
Pumikit siya.
...‘Wala kang alam sa amin, kaya umalis ka na Michael, at pakiusap... wag ka na magpapakita kahit kailan.’...
Si Michael
Nagbalik ako para sa’yo...
Sana hinintay mo ‘ko, mahal na mahal kita kung alam mo lang...
Walang nagbago, matagal na pero wala – ikaw pa rin.
▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Twenty █ ▆ ▅ ▃ ▂
‘Til The Last Breath (Finale – Part 2)
‘Baby—anak, anong bang nangyayari sa’yo—umalis ka kaagad kahapon, nakakahiya sa Papa at Mama ni Ate Cath mo, ano bang nangyayari sa’yong bata ka ha?! Sabi ni Manang Tess hindi ka pa raw kumakai—tigilan mo muna ‘yang laptop mo pwede? Kumain ka na ba ng tanghalian?’
Walang imik ang kausap.
Lumapit ang ina sa anak.
‘Ma, p-please, ‘wag m-muna ngayon...’
‘Anak OK ka lang ba? Anong nangyayari, umiiyak ka ba? What happened?’
‘M-ma...’
Dinig ni Irma ang pag-iyak ng binata kaya mabilis siyang tumabi sa kinauupuan nito sa kama at niyakap ito. Pag-aalala ang lumukob sa puso ng ina habang inaalo ang umiiyak na anak.
Mahigpit ang yakap nila sa isa’t isa. Si Irma, pinapatahan ang anak.
‘Ma.. hind-di k-ko po kay-ya, mahal na ma-ahal ko s-siya e... b-bakit h-hindi n’nya s-sinabe sa’kin... Ma...’
‘Sshh calm down baby, ano ba kasi yun?’
‘S-sabi n’ya b-babalik sya e, p-pero hindi na pa-laa... s-sana hind-di k-ko nalang po s-sya pinayagan u-um-uma-alis...’
Tuloy lamang ang atungal ng ni Ren habang umiiyak, yakap ang ina.
Pinapatahan siya nito ngunit tuloy lamang ang una sa pighati. Nilayo ni Irma ang sarili sa anak at minasdan ang itsura nito – magulong buhok, lukot ang suot pa rin na undershirt, black slacks pati na ang mga medyas, mugto ang mga mata. Halatang hindi pa ito nakapagbihis pagka-uwi.
Pinahid ng ina ang pisngi ng anak na binata.
‘Anak, ano bang nangyayari sa’yo? Tell me, bat ka ba nagkakaganyan?’
![](https://img.wattpad.com/cover/12198121-288-k396259.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]
Random"Ang sabi mo mahal ka niya, pero Michael matagal na yun... paano kung hindi na ngayon?" ~ Ikalawang Aklat