Chapter 16 - Tatlong Dapit-Hapon at Takip-Silim

2K 50 9
                                    

Excited na ako sa assignment ko pero parang napa-urong ang saya ko noong mabasa ko ang bagong dating na mensahe. I feel something bad about.

‘Ano Mike, ayos ka ba dyan?’, narinig ko pa si William sa kabilang cubicle kaya nag-thumbs up ako sa kanya sabay ngiting ewan. 

Haayyss...sana hindi ko na lang binasa ito.

Sana lang ‘di niya sirain diskarte ko.

9:36AM

Good morning Mike :-)
Guess who’s coming this Friday?
OmiGosh!!!! Mom and Dad said ‘YES’.
B ready 4 me, ‘coz Manila, here I come!!!!

-Daniella

 

Alam niya kasi ang tungkol kay Ren.

 

 

 

▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Sixteen █ ▆ ▅ ▃ ▂  

 

 

 

 

Tatlong Dapit-Hapon at Takip-Silim

 

 

 

Dito kami nagpapalaba.’

‘OK pala nakuha kong apartment, accessible sa lahat – may mga karinderya, terminal ng pedicab at jeep pati laundry shop.’

‘Ah oo, si Boni kasi nakahanap ng lugar na’to actually.’

‘Ganun ba? Ga’no katagal mo na siyang kakilala?’

 

‘Sir eto na po yung sa inyo. Thank you, balik po uli kayo.’

Araw ng Miyerkules.

Kasalukuyang magkasama ngayon sina Ren at Michael.

Kakagaling lamang sa isang laundry shop malapit sa compound na tinitirahan nilang dalawa. Pareho silang may bitbit na malaking plastic bag na naglalaman ng malilinis na damit, at magkalapit na naglalakad pabalik.

‘So matagal na pala kayong magkasama dun ni Boni sa apartment...’, muling wika ni Michael.

‘Oo, malapit din kasi sa university kaya naki-share na ako.’, sagot ni Ren.

‘Almost three years na pala kayo dun, kayong dalawa lang nakatira?’

‘Oo, bakit naman?.’

‘Ah w-wala.. hehe, bakit nga pala andyan pa din kayo? I mean graduate na kayong pareho di ba?’

‘Ah nagre-review pa kasi ako, mas malapit kasi pag doon ako sa apartment.’

Patuloy lamang sa paglalakad ang dalawa. Ilang minuto pa ay narating na nila ang gate ng compound. Si Michael na ang nagtulak sa gate.

Paghakbang ay siya namang tunog ng ring tone ng cellphone ni Ren. Hindi muna iyon pinansin ni Ren at naglakad na. Pinakiramdaman lamang siya ng binata.

Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon