Chapter 13 - Tears Of A Longing Heart

2.2K 53 22
                                    

Habang nakahiga ay naalala niya ang cellphone, kinuha niya iyon mula sa maong na nakasabit sa gilid ng silid at pinindot ang power button. Mabilis na nagliwanag ang screen niyon. 

Ilang sandali pa ay bumuo siya ng maikling mensahe saka ipinadala.

Alam niyang tulog na ang pinadalhan niya ng mensahe dahil ikatlo pa lamang ng umaga.

Inipit niya ang cellphone sa ilalim ng unan.

Bumulong siya bago pumikit.

Kahit wala na siya, bakit hindi mo ako mapagbigyan - tayo?

 

 

 

 

 

▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Thirteen █ ▆ ▅ ▃ ▂

 

 

Tears of a Longing Heart

 

3rd Person POV

Hey Friend, ‘wag mo kaming tulugan!’

‘Anu ba Friend, antok na ako, hatinggabi na oh...?’

‘Ay nako wag mo akong artehan, bumangon ka na.’

‘Tsk, bukas na lang if you want.’

‘No, I want it now, right at this very moment.’

Bumalikwas si Ren dahil sa pamimilit ni Ruby na itihaya siya mula sa pagkakataob sa kama. Kunot-noo itong nagpukol ng tingin sa kaibigan.

‘Kasi naman “Pasakay na ako, see ya”, anu yun, eh anong oras na kayong dumating?’, may yamot na paggaya ni Ren sa text ni Ruby habang nakatingin din na masama kay Boni.

‘Hephep! Yang babaeng yan ang sisihin mo noh?!’

Ang singit naman ni Boni nang makapasok sa silid ni Ren.

Pareho silang tatlo na nakadamit pantulog na. Lalo pang nainis dahil nawala na ang antok niya dahil sa kakulitan ng mga kaibigan lalo pa nang sumampa na ito sa kama niya kaya nauga siya sa kinasasandigang headboard.

‘Eto naman, binilihan ka naman namin ng pasalubong ah, at kasalanan talaga netong si Boni noh!’, sabay irap ni Ruby.

‘Me? Ako, ako pa? Eh sino kaya yung bigla na lang papasok sa boutique imbis na sumakay ng escalator pa-exit?’, ganti ni Boni sabay subo ng ice cream mula sa hawak na tasa.

‘Uy, yung bedsheet ko, pag yan natuluan ah, ikaw magha-handwash neto. Dun ka nga sa chair.’, sita pa ni Ren.

‘Ay sorry girl, oo nga pala, regalo pa naman sa’yo ito ni fafa Kenneth, noh?’ Ang galing talaga nung damuhong yun, ako nga hirap maghanap ng collectors’ item, tapos pag ikaw, ang bilis niyang naka-order online...so unfair!’, wika naman ni Boni at ipinatong ang tasa sa mesita kung saan nakalagay din ang cellphone ni Ren.

‘Ang alam ko kasi sa ganitong bedsheet cover, usually pink or white lang ang merun nito, pero pwede pala all-black hello kitty with matching pair of big red pillows. Iba talaga yung ugok mong boyfriend na yun!’, gatong pa ni Ruby sa usapan.

Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon