Chapter 31 - Rumor Has It

1K 34 2
                                    

‘Ma...? I’m home...’

Dinig ni Irma ang pagbati ng anak nang makapasok na ito sa pinto.

Kaya naman mabilis niyang pinunit ang sulat at sobre nang dalawang ulit saka nilukot ang mga ito at itinapon sa basurahan. Isinara niya ang maliit na tokador ng lalabo at humakbang palayo.

Isang palit na ngiti ang namutawi sa mukha niya sabay salubong sa bunsong anak.

‘O Baby, mabuti nakauwi ka na! How’s the exam? Nagugutom ka ba?’

 

▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Thirty-One █ ▆ ▅ ▃ ▂

 

 

Rumor Has It

 

 

Si Michael

 

‘I think this should be good for now.’

‘Magaling ka pala Pia, eh. Bakit ‘di mo subukang mag-try doon sa pinasukan ni Bobby?’

‘I dunno... saka na. Enjoy ko muna dito, isa pa hindi naman ako nagmamadali.’

 

Tumango-tango lang ako sa sinabi nitong katrabaho ko.

Pag naiisip kong tibum ‘tong si Pia, laki ng panghihinayang ko. Maganda e, may katawan kaso chix din hanap. Pucha, matatawa siguro ‘to pag nalaman niyang halos pareho lang kami lumihis... Ah, teka pareho ba ‘yong bisexual sa lesbian? Ah ewan parang sasakit ulo ko, wag na nga hayaan ko na lang dahil kanya-kanya lang ng choice ang tao sa buhay. And in the end, it’s everyone’s personal happiness that counts. Di ko tuloy mapigil mag-isip kung nagagwapuhan ba siya sa mga lalaki, sa tulad ko? O sa ibang ay mga hitsura? Marami kaya kaming nagkalat specially whenever we go out for lunch. Poging Junior Architect ng Quezon City din ako mga tsong, haha!

At dahil nga ganun siya, I can’t help but breathe a sigh seeing guys turn heads and look at her in amazement. If they only knew? Sayang ka Pia, tsk. Minsan natetempt akong makipagkwentuhan dito kay Pia about... you know, us... kaso parang dyahe, ayun pinabayaan ko nalang din. Hehe.

Andito kami ngayon sa Drafting Room kasi inaayos namin itong final touches sa ginawa naming blue print para sa isang project, pinasa lang sa amin kasi matagal na raw ‘di nasisimulan. Patapos na ‘yung sa isang site at malapit na ‘yung na-turn over kaya binigyan kami ni Boss Lumayno ng next project – a fifteen-storey condotel. Nasa site inspection na sana kaso naudlot dahil may request for structural modification yung shareholders tapos nahirapan pa sila sa land developer. Anyway, at any hour today, darating sila to check the design, ‘pag walang reklamo diretso na sa itaas yung gawa for approval and inking. Sa Guadelupe Area sa Makati ‘yung proposed site.

 

’Guys, let’s go, lunch na. Mamaya may meeting pa tayo.’, sit-sit ni pareng Will. I checked the time and he’s right. ‘Mamaya na ‘yan Pia, I’m starving. Pare, ikaw taya ah.’

 

Tsk, akala ko nakalimutan na pero naalala uli. Di bale malapit naman na ang a-trenta saka nakapangako na din ako na ite-treat ko sila ng lunch.

Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon