Chapter 41 - The Most Unanticipated

1.1K 32 19
                                    

What?! Ganun lang pumayag na siya? HIMALA!

‘OK, consider it done Kuya.’, sagot kong mabilis and ended the call baka magbago pa isip. YES! Naisahan ko rin!

Maaga pa naman kaya umakyat ako pabalik sa room nang mabilis, kita kong kumaripas paakyat si Kenzo rin. Hahaha, paunahan kami pabalik sa room. Ibang klase ang may apat na paa, madaya!

Pagkapasok ay kinuha ko agad ang mobile and unlocked the screen. Tama si Kuya, nandito na nga MMS niya.  Binasa ko rin ang text niya, may address na nakalagay pati ang name ng autoshop kung saan siya kumuha ng car.

Binasa ko ‘yong name ng autoshop na tinutukoy ni Kuya. I was cluless.

Hmmm...

 

    A. L. E. R. O. S.
Car Deals
& Services

  

▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Forty-One █ ▆ ▅ ▃ ▂

 

The Most Unanticipated

 

 

 

Ma, aalis na po ako.’

Ang paalam ni Ren sa inang si Irma. Humalik siya sa pisngi nito saka lumabas ng pinto.

Dagli namang sumiksik palabas ang alagang Labrador ngunit maagap si Ren na napigil ito palabas ng gate.

‘O wala ka na bang nakalimutan, Baby?’, tanong ng ina.

‘Wala na po, sabi ni Kuya two valid IDs lang naman po ang kailangan. Bye Ma!’, si Ren.

‘Sige, anak , mag-iingat ka sa pagmaneho  nung sasakyan ah.’

‘Opo, Ma.’

Dahil sa napagkasunduan nina Ren at nakatatandang kapatid na si Martin ay umalis siya ng bahay nila matapos ang pananghalian. Siniguro niyang maayos ang kanyang damit at nadala ang kailangan sa pagkuha ng sasakyang binili ng Kuya nito.

Habang naglalakad palabas ng village ay nilabas niya ang cellphone at pinindot ang pamilyar na pangalan mula sa phonebook. Tinapat niya ang cell sa tainga, ilang saglit pa ay sumagot na ang nasa kabilang linya.

‘Hello Ren, o bakit ka napatawag?’

Tinig ni Mac.

‘Musta? Ah, Mac... may lakad ka ngayon? Gala tayo?’, usisa ni Ren.

M:  Nako, uuwi kami sa probinsya, gusto nila Papa na doon muna kami hanggang matapos ang Undas, eto nga nag-eempake na rin ako.’

R: Ah ganun ba? O sige sensya na sa abala. Ingat ka.

M: Pasensya na ah, si Ruby na lang ayain mo o kaya si Nat.

R: Naku busy pareho yung dalawa sa trabaho.

M: Ay oo nga pala, hmmm... si Ole? Try mo?

R: Uhm.... sige try ko tawagan.

M: Mukhang bored ka na ah

Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon