Chapter 37 - Just Let The Girl

1K 35 8
                                    

1 Friend Request

Mackenzie Louis Soler

Confirm         Not Now


▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Thirty-Seven █ ▆ ▅ ▃ ▂

 

Just Let The Girl


‘Sure ka dito ah?’

‘Oo, matagal ko ng gusto talaga subukan ang ganito kaso lagi nauudlot.’

‘Sandali, upo ka muna, ayusin natin ‘yang sa iyo baka mapatid ka pa.’

Ang malumanay na utos ni Michael sa kasama. Yumuko siya para ayusin ang sintas sa pagkakahigpit sa suot ng kasama niya nang hapon na iyon.

Tahimik lamang na nakamasid ang kasama sa ginagawa ng binata. Minamasdan nito ang ayos ng semi-undercut na buhok, patungo sa makapal na pares ng kilay, pababa sa matangos na ilong, sa pinkish na labi, sa maskulino nitong panga hanggang sa manipis na tubo ng five o’clock shadow nito. Pinipigalan niyang gumawa ng ingay, tahimik na humihinga at nilalanghap ang samyo ni Michael na tipikal lamang sa mga kalalakihan. Walang duda na may kakaibang dating ang binata para sa kanya kaya hindi rin niya mapigil na mangiti nang palihim tanda ng paghanga rito.

Ilang saglit pa ay naayos na ang buhol ng sintas. Tumayo si Michael at nilahad ang isang kamay upang alalayan ang kasama sa pagtayo. Inabot naman ito ang isa at mahigpit na kumapit doon. Sumampa sila magkasabay sa rink kung saan may iba pang nagpapaikot–ikot sa loob ng maginaw at nagyeyelong sahig.

‘Kumapit ka lang sa akin, Fatima. Tuturuan kita kung paano magskates.’, malambing na wika ni Michael, ang isang kamay ay nakahawak pa rin sa kamay ng dalaga at ang kabila ay nakaalalay sa bewang nito.

‘Oh my-- hihi ang dulas, baka matumba ako Mike, wag mo akong bibitawan ah.’, kinakabahang sambit pa ni Fatima na nangangatog ang mga tuhod.

Napaagik naman ang binata sa narinig.

‘Syempre, ako bahala sa’yo basta relax mo lang katawan mo at haha tsk, ‘wag mo masyado tigasan ang hawak sa kamay ko relax, ano ka ba baka lalo tayo mabuwal niyan, sige ka...’

‘Eh, kinakabahan ako Mike-- teka, anong ginagawa mo--  wag mo sabi akong bitawan!’

‘Hahahaha, hindi nga. Masyado kang tense. Sige dito muna tayo sa railings, hawak ka d'yan sa bar.’, masuyong utos ni Mike.

Hinayaan niyang makakapit sa metal bar ang dalaga upang hindi ito mabuwal. Kasalukuyan silang nasa iceskating rink sa loob ng kialalang mall.

Araw ng Sabado at iyon ang ikalawang pagkakataon na lumabas silang dalawa para sa isang date. Dito nila napiling magkita at sa paglilibot ay napilit siya ng dalagang si Fatima na subukan ang pagpunta sa recreational centre ng mall. Sa loob ng rink ay marami din mga tao – kabataan at matatanda sa parehong kasarian ang masayang nagpapadulas suot ang kani-kanilang skateshoes.

‘Paano ka natuto nito huh?’, umpisa muli ni Fatima habang marahang gumagalaw pero nakakapit sa bar. Nangingiti rin ito.

Kinuha ni Michael ang isang kamay ng dalaga. Nagdadalawang isip man ay inabot niya iyon at ngayon ay nakatayo na si Fatima, salubong ang tuhod, kapit ang kaliwang kamay sa metal bar habang ang kanan ay hawak ni Mike.

Palihim na natutuwa si Michael sa asal na iyon ng kasama, batid niyang wala nga itong alam kung paano sisimulang gumalaw sa ibabaw ng yelo na hindi kumakapit sa railing.

Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon