Chapter 40 - Surpresa, Plano at Kasunduan

999 27 5
                                    

Haaayy kung saan na ako dinala ng pag-iisip ko na ito. Dahil sa kadaldalan nun at pagiging chismoso ay hindi rin ako tinantanan ng picture ng magaling namin na project leader sa isip ko! Tapos ginatungan pa ni Mommy. Badtrip lang talaga!

This is all but William’s fault! Dapat talaga ‘di ko na pinatulan ang pagiging chismoso nun e!

‘O, hijo, tulala ka na d’yan. Akin na nga si Ambeth, tulog na ata yan...’

Nagitla ako sa pagtawag ni Mommy, natanga na naman ako. I looked on my lap at the kid who’s leaning on my chest, nakaidlip na pala si bulilit, busog kasi. Kain, laro, tulog lang siya maghapon, spoiled pa sa Lola kaya ayan ang resulta, mataba.

...mataba??

Demmit.

  

▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Forty █ ▆ ▅ ▃ ▂

Surpresa, Plano at Kasunduan

 

 

 

Si Ren

 

 

I woke up because of the sound of my mobile’s ring tone. Hindi ko nasagot.

Hikab-bangon kong inabot ang cellphone sa gilid ng kama.

Arf! worf! Worf! Sino pa ba yun? Syempre!

‘Good morning my girl. huh? huh? Ano, hmmm pasyal tayo gusto mo?’, bati ko agad kay Kenzo, nakasampa agad ang dalawang paa at nakaumang ang nguso. Dito siya sa loob ng room ko natutulog, ayaw niya paiwan sa labas. Makulit sobra, di titigil hangga’t hindi siya nakatabi sa akin – kahit saan pa yan! Tahimik na siya basta katabi na ako.

Pumatong siya sa bed at hinaplos ko ang balahibo niya kaya natahimik na siya. Malinis naman siya lagi at bihira lumabas kaya OK lang. Gusto niyang magkatabi kami lagi, ayaw niya kay Mama makitulog. Kahit saan ako dito sa bahay lagi siya nakabuntot tulad ng nagbig--. Anyway ganito na siya simula ng tuta pa siya hanggang ngayon na mabigat at malaki na siya ay baby girl pa rin turing ko sa kanya. Umayos ako ng sandal sa kama at hinawakan ko ang mobile.

 Pagsilip ko sa screen, isang missed call at isang unread text message. I smiled. It was from Nathaniel. Tulad ng dati sa loob ng ilang buwan ay ganoon siya – lagi mauunang magpadala ng mensahe.

Kahit noong mga panahon na nagpaparamdam pa lang siya, hanggang sa manligaw na siya at sagutin ko siya until now, he hasn’t changed. Consistent I should say. Madaling araw pa lang darating na ang morning text niya to greet me. Nakasanayan ko na rin at talagang nakakakilig. Sa gabi naman he’d text or call me just to say he’s arrived home safely from work. At sa gabi naman, oftentimes, kahit galing siya straight from work ay dadaan siya dito sa bahay para makita ako at makipagkwentuhan saglit. Hindi raw siya satisfied na sa phone lang niya naririnig ang tinig ko. He would always hold my hand while we’re talking at the gate. Minsan sa sala kami nag-uusap, at kilala at nakausap naman siya ni Mama.

Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon