Bagaman iyon ang unang pagkakataon niyang masilayan si Ren matapos ang mahabang panahon ay hindi siya nagdalawang-isip na tawagin ang pangalan nito pagkakita pa lang niya rito.
Dagling inakay niya ito, sinukbit ang isang braso sa balikat upang alalayan patayo ang tila walang malay na minamahal.
‘Uhmmm... s-sin-o k-ka... an-nong kel---‘
Mahinang usal ni Ren pero hindi na niya natapos pa ang sasabihin.
‘Huy, saan ka ba galing?’
▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Nine █ ▆ ▅ ▃ ▂
The Liar, The Hitch & The Wrangle
‘Ummmm... ah....’
Nagising si Ren na masakit ang ulo dahil sa pagkabangag.
"...Ma, dalhin ko muna si Kenzo sa vet..."
"...tomorrow around 3PM dapat andun na tayo, same place, bring your cam then..."
"...nakita mo na ba Baby itong invitation sa kasal ng Kuya Mart mo, Ninong pala yung..."
"...girl bukas, bago mag-gabi nandyan na ako, ang ganda dito sa Coron at nakita..."
‘Argh...’
Hilo pa ay bahagya rin siyang nasilaw sa liwanag ng silid pagkabangon.
Sinuri niya ang paligid, at natantong wala siya sa sariling kama at kwarto.
Mas kinagulat pa niyang iba na ang suot niya – isang maluwag na white captain america shirt, at ang kanyang boxershorts. Paglibot niya ng tingin sa silid ay kita niyang nakafold ang ibang pinagdamitan niya sa tabi ng pinto.
Nasa ibabaw ng bedside table ang stainless swiss watch, cellphone at wallet niya. Hinablot niya ang mga iyon – lowbatt ang cellphone, mukhang hindi naman siya nanakawan ng pera, at umaandar ang relo niya sa oras na:
2: 44PM
Nagmadaling sinuot ang relo, hawak ang wallet at cellphone, hilo niyang dinampot ang mga gamit sa lapag sa may pinto at bago lumabas ng silid ay sinipat niya uli ang buong silid at isang hinuha ang naisip niya batay sa hitsura ng loob nito – malinis, nasa ayos lahat ngunit walang dekorasyon na makakakuha ng atensyon – kumbaga, typical na silid.
Lalaki ang nagmamay-ari ng silid.
Boring.
Walang pinagkaiba ang disenyo ng silid pati ng bintana at pinto pati tiles ng sahig – tulad ng sa ibang unit ng apartment; ang tanging naiba lang ay plain white ang pintura nito na medyo kakikitaan ng dumi at vandal – na taliwas naman sa kay Ren.
![](https://img.wattpad.com/cover/12198121-288-k396259.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]
Losowe"Ang sabi mo mahal ka niya, pero Michael matagal na yun... paano kung hindi na ngayon?" ~ Ikalawang Aklat