Chapter 25 - Ego

1.2K 36 7
                                    

‘What are you waiting for? Malayo pa ang building site mula rito at ma-traffic so let’s go!’

Mabilis na kumilos si Michael at umikot upang sumakay sa passenger katabi ng driver. Pagkaupo niya ang mabilis na pinaandar ng kasama ang HiLux.

Walang balak magsalita si Michael para bumati, humingi ng tawad sa pagkahuli o kung ano pa man. Ang maaninag lang sa mukha niya ay pagkalito, inis at asar.

Kung ito naman bubungad sa’yo sa umaga, pshh, sapakin ko ‘to e...

‘From now on, you’re the new assistant PL and one of your duties is to accompany me in conducting inspection and ocular visits to our projects. Right now pupunta tayo sa Taguig dahil andun yung limang townhouse underconstruction sa firm natin. Hinihintay na tayo ng engineer panigurado.’

Sasagot sana si Michael subalit naabala siya sa pagtunog ng alert tone ng kanyang mobile.

Madali niya itong kunuha sa bag, tinapik ang screen at binasa ang bagong dating na mensahe.

Mukhang ito na ‘yung sinasabi ni pareng Will ah... tss...

 

8:26AM

Ano Pareng Mike, musta? Ngkita kyo?
Ingat ka jan, balita ko mainitin ulo ng Kier na yan.
Nasermunan ka ba? Congrats kaw na bagong ASST PL.
Libre mo kmi meryenda ni Pia bukas ah!

-Office/Will

▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Twenty-Five █ ▆ ▅ ▃ ▂

 

Ego

 

 

9:07AM

Matapos ang tagpo noong isang lingo ay naging alerto na si Michael lalo na sa bago niyang job assignment. Ang problema lang ay hindi niya alam kung promotion ba ito na maituturing o isang pahirap sa buhay niya.

Nalaman niya na hindi lang pala siya ang sasailalim sa ganoong assignment, dahil maging si Sophia ay ganun din. Samantala si William ay hindi na dahil nagawa na niya ito noong kasama pa nila si Bobby – ito ang naging paliwanag ng kanilang boss kinabukasan matapos ang unang sabak ni Michael.

 ‘What are you doing?’, pigil-inis na tanong ni Michael.

Tumingin pa siya sa rolex upang sipatin ang oras. Bahagyan niyang niluwagan ang necktie dahil nakakaramdam na siya ng pinaghalong irita at alinsangan.

Tumingin lang saglit sa kanya ang kausap at ibinaba ang mobile na hawak.

‘I was trying to reach someone from the insurance company.’, sagot nito.

Palihim na napangisi si Michael dahil sa natanto niyang ideya.

 

‘Ang sabihin mo ‘di ka lang marunong magpalit ng gulong...abnoy.’, bulong pa niya.

‘You’re saying something Mr. Tordesillas?’

‘No, nothing, Mr. Permides. Sumagot na po ba?’

Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon