Bumalik siya sa kanyang silid na may galak, wari niya ay nasa tabi lamang nita si Kenneth habang pinagmamasdan ang munting tuta sa loob ng basket, mahimbing na natutulog.
...I love you so much, Love. I will miss you. If you miss me just give KENZO a hug, isipin mo na lang ‘ako’ sya!Take care of yourself and Kenzo...
Bilisan mong bumalik, I miss you so much, Love... bulong ni Ren bago tuluyang pumikit sa pagtulog.
▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Six █ ▆ ▅ ▃ ▂
I Got Distracted
Gabi bago ang paglipat sa apartment.
Sa katahimikan ng dilim, tanging ulap at sumisilip na buwan ang saksi, tahimik na nakadungaw si Michael sa bintana ng kanyang kwarto habang nakikinig muli sa kanyang ipod nano – nakikinig sa dalawang tinig na nag-uusap mahigit apat na taon na ang nakalipas.
Bahagyang napailing ang binata sa gunita ng nakaraan, kasabay ang isang nakakatuwa at hindi malilimutang tagpo na agad napalitan ng pangamba.
Subalit nangingibabaw pa rin sa kanyang puso at diwa ang pananabik sa bukas na darating dahil iyon na ang pagkakataon upang sila’y muling magkita matapos ang mahabang panahon. Bukas siya lilipat sa apartment unit na katabi lamang ng kina Ren.
Kumusta ka na, Ren?
Maaalala mo pa kaya ako?
Ang pagmamahal mo sa akin, buhay pa ba?
Baby Ko...
Ang mga tahimik na bulong ni Michael sa hangin bago pindutin ang play button ng device.
Session Number... 0 - 8
Date... April 30, 200*
Patient Number... 0 – 1 – 2
Panandaliang pananahimik.
Doc Evie:
Mike, what are the things you remember about Lorenzo? It could be a thing, a place or any event that reminds you of him... anything.
Muling panandaliang katahimikan.
Doc Evie:
...whenever you’re ready Kid...

BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]
Random"Ang sabi mo mahal ka niya, pero Michael matagal na yun... paano kung hindi na ngayon?" ~ Ikalawang Aklat