Bago sumampa sa kama ay hinaplos pa niya ang balahibo sa bandang ulo at tenga nito at saka kinausap ito na animo’y tao din.
‘Alam mo Kenzo, yung taong nagbigay sa’yo sa akin, napaka-reklamador nun pero mahal na mahal ko yun. Kaya ‘pag dumating siya kagatin mo ah kasi pasaway eh, mantakin mo, hanggang ngayon hindi pa umuuwi. Humanda talaga yun sa’kin...’
Matapos noon ay tuluyan na siyang humiga at pumikit.
Bago tuluyan tangayin ng panaginip ay isang pagsumamo ang inusal ni Ren.
Kenneth, nasaan ka na ba Love? Bumalik ka na, I miss you so much.’
▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Seven █ ▆ ▅ ▃ ▂
...Ganun Ka Pa Rin Ba?
Hindi gaanong malamig.
Alas-dos ng madaling araw.
Nakakapanginig ng laman.
Matagal na nang huli kong maramdaman ang ganito.
Sa pagkakaalala ko ay naramdaman ko ang ganito noong nandun kami sa silid niya, mga panahong nakikituloy pa siya sa bahay nila Jerry.
Wari ko ay naghahalo ang init ng pananabik at sobrang tuwa sa buong katawan ko.
Hindi man lang siya tumangkad, kaunti lang at tulad noon, slim pa din sya – payatot.
Pero hindi niya maikukubli ang maga sa ilalim ng mga mata.
Marahil napagod siya sa pag-iyak.
Pero nandito na ako ngayon.
Hindi ko alam kung tama ba na tulog siya o dapat ay gising siya para makita ako?
‘Uhmmm... s-sin-o k-ka... an-nong kel---‘
Mahinang usal niya pero di natapos. Ni hindi man lang maidilat ang mga mata.
Mabuti na lang at nakauwi pa din siya kahit paano.
Saan ba kasi siya galing?
Tsk, wala ‘to! Bagsak na oh!
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]
Diversos"Ang sabi mo mahal ka niya, pero Michael matagal na yun... paano kung hindi na ngayon?" ~ Ikalawang Aklat