P R E F A C E

3.6K 83 9
                                    

P R E F A C E

..•.¸¸•´¯'•.¸¸.ஐ  ஐ..•.¸¸•´¯'•.¸¸.

 

April 29, 2014

Sa mga Minamahal na Mambabasa,

Kamusta po kayong lahat?

Nawa’y habang binabasa nyo ito ay nasa ligtas at masaya kayong kalagayan... lalo na ang inyong puso.

Bukas na po ang pinakahihintay kong sandali – ang simula ng Ikalawang Yugto.

Ang pahina na ito ay nilikha ko upang maghandog na paunang pasasalamat sa inyo na nag-aabang sa simula ng nobela kong ito na pinamagatang “Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko”.

Nagpapasalamat po ako sa inyong pagsuporta at pagmamahal na ipinakita sa unang libro. Kung mayroon mang mga tanong na hindi nabigyan ng sagot doon ay nais kong bigyan ito na kaliwanagan sa ikalawa at umaasa ako na matupad nito ang ninanais ninyo para sa inyong mga inibig na karakter – mapa-Lorenzo man, mapa-Kenneth o Michael man iyon. Nabasa ko po sa CB ang ilan sa mga pahabol na katanungan gaya ng ‘kung bakit Kit ang tawag ni Kuya Mart sa kapatid niya’ at ‘kung paano nalaman ni Ren na may nunal si Jerry (sa kung-saan-man-bahagi-ng-katawan-nya-ito-naroon).

Batid nyo naman po siguro ang dahilan kung bakit ganyan ang pamagat at hindi ko sinunod sa unang yugto ng kwento -Tanging Mahal. Dapatwat bagong kwento na ito, asahan ang pagpapatuloy pa din ng buhay pakikipagsapalaran ng mga minahal ninyong karakter na sina Kenneth, Lorenzo at Michael pati na ng iba pa kasama na ang mga bagong tauhan na susubok sa kanilang katauhan.

Ang simula at daloy ng kwento ay magbubuhat kung kalian nagwakas ang unang libro; samakatwid ito ay sa panahong mahigit 4 na taon na ang lumipas. At dahil nasa ganoong yugto na sila ng edad at estado ng buhay ay asahan nyo ang mga eksenang nangangailangan ng pang-unawa at patnubay sa pagbabasa. Bilang manunulat, sisikapin kong maging kanais-nais pa din ang kalalabasan nito para sa mga kabataang tagasubaybay. (Ayoko na ma-Restricted po.)

Kaugnay pa nito, pinapabatid ko din po sa inyo na maaring hindi na ako maglagay pa ng Author’s Note sa bawat kabanata upang maging pormal kahit papaano ang akda ko. Kung may pagtataka at kalituhan sa nababasa ay pinapaalala po ng inyong lingkod na ulitin lang po ang pagbasa upang higit ninyo itong maunawaan (dahil aalisin ko na nga ang A/N). Huwag pong mahiya sa pag-PM kung may tanong din kayo sa kwento o pwede  din sa CB ilagay. Kung nais nyo po magpa-dedic, kinalulugod ko iyan, paki-PM na lang po ako - maswerte ang mauuna.

Sa pagwawakas, nais ko pong muling magpasalamat sa inyo – maraming salamat po; at sana ay makapulot kayo ng aral o maging inspirasyon ang kwento na ito sa inyo. At tulad ng mga magiging karakter sa kwentong ito ay sana ay magpatuloy tayong umunlad hindi lamang sa buhay pag-ibig kundi pati na sa aspetong sosyal at intelektwal – pagtanggap, paggalang sa kapwa at respeto sa sarili. Ito ay nilikha ko para sa ating lahat dahil sino ba naman ang hindi nagnanais ng happy ending di ba? – yun OH!  At sana ay patuloy pa rin ninyong suportahan ang bago kong proyekto na ito.

Dito na lang baka kung ano pa masabi ko sa kadaldalan ko... Muli, salamat po.

Ang nag-iisa at walang katulad,

Maharett.

..•.¸¸•´¯'•.¸¸.ஐ  ஐ..•.¸¸•´¯'•.¸¸.

Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon