Chapter 8 - 74 Hours

2.6K 65 10
                                    

Mula sa pagkakaupo ay lumuhod na ako, hinawakan ko ang isang kamay niya na mahigpit, naka-ipit ang mga daliri ko sa pagitan ng mga daliri niya, at ang isa kong kamay ay marahang humaplos sa buhok niya.

Habang ginawagawa ko iyon ay naramdaman ko ang higpit ng kapit niya sa kamay ko din.

‘Minahal na kita noon, nagkamali ako. Pero mahal pa rin kita ngayon, sana mapatawad mo ako. Mahal kita Ren. Ako ‘to... ang Dada mo.’

Ganun lang at masuyo kong idinampi ang mga labi ko sa noo niya.

‘...mahal na mahal ka... ganun ka pa din ba?’

▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Eight  █ ▆ ▅ ▃ ▂     

 

 

 

 74 Hours

 

 

Sabado.

Nagising si Michael sa ring tone ng cellphone.

Bumalikwas siya upang abutin ito mula sa bedside table.

 

‘Hello...?’

‘Tol darating dyan mga neophytes ko, ikaw na bahala.’

 

Ganun lang at naputol na ang tawag ‘ni hindi man lang nakasagot ang bagong gising na binata sa tinuran ng kausap.

Kunot-noo niyang minasdan ang malapad na screen ng cellphone.

 

Saturday

April 31 201*

7:08AM - Quezon City, PH

Sunny - 34º C

 

Nilapag niya ang cellphone sa tabing mesita at kumuha ng towel saka nagtungo sa banyo.

Matapos ang morning routine ay bumaba siya upang saluhan ang ina sa agahan.

Habang kumakain ay nag-usisa si Daisy sa plano ng anak.

 

‘Ngayong araw ka maglilipat ng gamit Hijo...’

‘Yes Ma.’

‘Uubusin mo ba ang gamit sa kwarto mo?’

 

Natawa ng bahagya ang binata sa narinig.

 

‘No, Ma. Just a few. May nabili na po akong ilang gamit. It’ll be delivered dun sa apartment two days from now.’

‘How’s the application by the way?’

‘Tumawag po kahapon yung HR for the schedule of interview, I already confirmed. Bakante po ako today at bukas, tutulungan po ako ni Phil.’

‘Is that so... you know Son, I’m really glad of what you’ve become now. Before I thought you’d never passed that happy-go-lucky stage, that you won’t be serious at school. Nung andun ka kay Miguel, naisip ko na wala ako doon to guide and supervise you. Kilala ko ang Dad mo, parang ikaw lang yun sa mga kalokohan eh... kaya hindi talaga ako mapakali all these years...’, huminto si Daisy pansamantala at marahang hinawakan ang braso ng anak.

Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon