Chapter 55 - MacArthur

605 23 7
                                    

'Walang kaso 'yun Pare. Michael Tordesillas... pero Mike na lang.'

Mabilis rin ang reaction ng kausap nila at dali-dali na humabol upang magpakilala, bagay na nakaligtaan ngunit agad naman nabawi.

'Oliver... Oliver Casimiro, mga Pare. Salamat at pasensya na kayo ah.'

'O paano, tara na para makarami naman ako sa libre mo.', singit ng matanda na natatawa.

Pilit na ngiti naman ang sagot ng dalawa sa hindi maintindihang usapan ng mag-coach. Nang patalikod na ang mga ito ay bumaling ang bagong kakilala sa kanila.

'Nga pala birthday nitong si coach kahapon, baka gusto n'yong sumama sa amin pahabol na celebration? Tamang shot lang, ano?'

'Oo nga naman, wala naman siguro kayong lakad sa mga syota n'yo?', tukso pa ng coach na nakangisi.

'Sige ba coach!', walang gatol na sagot ni Phillip. 'Basta ba libre e!?', patungkol nito sa lalaking kaharap.

Napailing nalang si Michael sa tila kulang sa kahihiyang asal ng matalik na kaibigan habang tumatango naman ang matanda. Sa huli ay nagdiwang pa rin si Phillip dahil sa sagot ng bagong kakilala.

'Walang problema. Sagot ko!'



▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Fifty-Five █ ▆ ▅ ▃ ▂



MacArthur



3rd Person POV


'Baby, OK lang ba kayo ni Nathaniel? Parang hindi ko ata siya napagkikinita ngayon?'

'Uhm, OK naman po kami Ma. Busy lang po yun sa work.'

'Parang kasi hindi na siya dumadaan dito 'pag gabi, kailan pa ba 'yong huling punta n'ya dito? Last month pa ata?'

'Hahaha, ano ka ba Ma? Busy lang po talaga siya lalo na't paparating na December pero baka next week babalik na po siya sa dating schedule.'

'Hmm, ganun ba? Ang sipag talaga ng batang 'yon. By the way alam na ba niya? Nasabi mo na ba sa kanya ang tungkol sa scholarship ng kapatid niya? Dapat mag-follow up na sila kasi magko-close na 'yong initial registration, they should submit the documents needed, or else...'

'O-opo Ma, nasabi ko na po sa kanya last week. OK na po, nagka-problema lang sa birthcertificate ni Frederick.'

'Ha? Bakit, what's wrong with his birthcertificate?'

'Ah, eh... mali, uhm, mali po 'yong spelling sa last name niya, may typo ho.'

'Uhm, dapat nag-file na siya sa NSO, tutal libre naman ang name change saka madali lang ang process.'

Nag-uusap ang mag-inang Irma at Ren habang kumakain ng agahan.

Sa ilalim ng mesa ay tahimik na nakahilata lamang ang alagang labrador na si Kenzo, mistula itong nakikinig sa usapan ng mga amo ngunit nanatiling nakapikit habang ang tainga nito ay nilalaro ng mga daliri ng paa ni Ren. Sa kabilang banda, sa mga sagot ni Ren ay pilit na itinatago sa ina ang katotohanan at gumawa na lamang ng alibi bilang pagsisinungaling sa bawat tanong nito.

Apat na araw na nang huling bumisita si Ren sa tahanan ng mga Amoroso. Subalit sa kabila ng ginawa niya ay wala pa rin siyang balita ukol sa nobyo. Ang inakala niyang pag-uusap nila ni Frederick ay makakapagbago sa sitwasyon nila kahit paano ay wala ring naidulot. Wala pa rin siyang balita kay Nathaniel. Tulad ng dati, ang mga tawag at text niya ay walang kinahinatnan. Hindi niya ngayon mawari kung ano na ba ang tumatakbo sa isip ng pobreng binata at kung ano ang kasalukuyang estado ng relasyon nila – kung may aasahan pa ba siya.

Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon