Tae! That's the second time na tinalikuran niya ako.
Sandali, paano niya nalaman pati edad ko? Wala akong makapang sagot sa utak ko. Naiwan ako sa wash area mag-isa.
Ibang klase ang araw na ito! Una, muntik na kaming magbangayan sa upuan sa shuttle dahil inagawan niya ako ng pwesto. Pangalawa, pilit akong kinukulit ni Pia na makipag-usap sa kanya - sa hindi ako interesado. Third, humingi ng sorry si Kier sa ginawa niya personally at mukhang maayos na ang mga bagay sa pagitan namin, akala ko hindi siya marunong tumanggap ng pagkakamali, mukhang mahangin kasi. Fourth, kanina lang he greeted me on this special day of my life... just wtf?! At sa lahat ng tao, siya ang hindi ko inaasahan na huling babati sa akin. Hindi naman sa kuripot ako o ayaw ko lang na makantyawan na manlibre dahil birthday ko kaya hindi ko ipinaalam sa iba. Truth is, ayoko lang ng atensyon, isa pa matanda na ako para sa mga birthday-blues na yan.
That guy is unbelievably unpredictable... and weird.
Inaamin ko, ginulat niya ako sa pagkakataong ito pero sa paraan na hindi ako nabwisit. He has just greeted me a happy birthday tonight and what better thing to do than accept it and be civil, right? Kung paano o saan niya nalaman, bahala na siya.
Tinanaw ko ang direksyon na tinahak ni Kier kahit wala na sya sa paningin ko at isa lang ang naibulong ko sa sarili dahil sa kawirdohan niyang iyon.
Ogag talaga!
▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Forty-Nine █ ▆ ▅ ▃ ▂
For The Third Time
Si Michael
'Sino ka ba!?!'
Sigaw ko nang mabalikwas ako sa higaan.
Dama ko ang pawis sa aking noo pababa sa leeg at dibdib.
Mabuti na lang at walang tao sa loob maliban sa akin nang mabilis kong ilibot ang tingin sa tinutulugan namin. Maliwanag na rin sa labas. May naririnig pa akong sigawan at tawanan. Umaga na pala, teka bakit hindi nila ako ginising? Bumangon na ako at sinilip ang home screen aking mobile.
6:43AM
Sunny - 32ºC
Wednesday
'Yong panaginip... naulit na naman at gaya ng nakaraan ay hindi ko nakita ang mukha ng isang panira, pang-ilang beses ko na rin itong napapanaginipan yun pero walang pagbabago.
Hindi ko na masyadong pinapansin kasi wala din naman akong makuhang sagot sa kahulugan nun. Magmumukha lang akong baliw kapag sinabi ko pa sa iba, minsan ko lang nabanggit ang tungkol dito kay Phillip pero di ko na inulit sa kanya dahil wala ding kwenta kausap ang isang 'yon, lalo lang gugulo utak ko.
Akmang tatayo na ako nang marinig kong lumangitngit ang kawayan na sahig.
'Yan! Buti gising ka na Mike! tara, andun sila sa labas!', sabi ni Alfred saka lumapit sa bag niya at nilabas sa pocket ang swimming goggles.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]
Random"Ang sabi mo mahal ka niya, pero Michael matagal na yun... paano kung hindi na ngayon?" ~ Ikalawang Aklat