Kita niya kung paano ito ngumiti habang nakatanaw sa ibang direksyon. Nang sundan niya ay kita niya na pinapanood nito ang boyfriend at bestfriend ng boyfriend niya na nagsasayaw nang wala sa ayos at tuwang-tuwa pa.
Pinagtuunan ni Michael ng pansin ang mukha ng binatilyong katagpo niya ilang minuto pa lang ang nakalipas pagkatapos ay binalik niya ang tingin naman sa dalagita. Inulit-ulit, salitan ang pagtanaw niya ng palihim sa dalawang tao, parehong masaya ang mga mukha nito sa piling ng iisang lalaki na sentro ng kanyang paninibugho.
Habang patuloy sa pagpalipat-lipat ng sulyap ay hindi mawari ni Michael kung paano susupilin ang nararamdaman kaya napahilamukos na lamang siya ng mga palad sa mukha dahil sa pagkadismaya sa sarili at labis na kalituhan.
'Sh*t... hindi 'to pwede...'
▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Forty-Eight █ ▆ ▅ ▃ ▂
Ogag Talaga!
Si Michael
Ibang klase!
I said to myself out of unfathomable disbelief.
Halos absent buong lingo na nakaraan bago itong teambuilding event ng firm tapos bigla siyang magpapakita ngayon? Hayip, parang kabute ah! Kaya delayed ang approval ng designs and computation namin dahil M.I.A. siya madalas. Yun ang naisip ko pa pagkababa ng shuttle kanina. Kung makapasok kanina sa shuttle, akala mo kung sinong hari ng mundo - paimportanteng spoiledbrat. At sa lahat pa ng makakatabi ko, siya pa? Tae talaga! Mabuti nalang nandito na kami ngayon sa receiving area nitong resort kaya medyo nagkaroon ako ng diversion.
'Alright guys, ang room assignment ay based sa nabunot n'yong colored paper with number. Same color goes to same quarters.', anunsyo ng sekretarya ni Boss Felix being over-all in-charge sa event.
'Miss, pa'no kaming girls?', a girl asked while waving the paper she has picked. Tama nga si Pareng Will, may mga chics din pala sa sister-company ng firm namin tulad ng isang 'to. Si Miss Tayug, OK din kaso mukhang workaholic, laki ng eyebags hehe.
'Syempre, hiwalay pa din ang girls room. Kaya we made separate colors para sa inyo kahit iba-iba ng kulay, we made sure na mga babae pa din ang magkakasama sa room, yun lang nga manggaling pa din kayo sa iba-ibang department.', pagklaro ni Shie, yung ang first name pala ng sekretarya ni Boss Felix nung nakwento sa akin ni Pareng Will kanina.
It's past 3PM.
Hindi naman kami nalipasan ng lunch dahil sagot ng company lahat kaya sa stop over ay dun na kami inabutan ng gutom lahat.
Masaya kasi mukhang enjoy lahat dahil halos walang ilangan kasi magkakakilala na pala talaga ang karamihan kahit na sa sister-company na Sebastian Architects kasi nga yearly ang activity na ito plus maliit lang naman ang architecture industry kaya hindi imposible na mangyari nga itong obserbasyon ko. One more thing, event like this helps a lot in building rapport and cooperation among employees and admin.
![](https://img.wattpad.com/cover/12198121-288-k396259.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]
Random"Ang sabi mo mahal ka niya, pero Michael matagal na yun... paano kung hindi na ngayon?" ~ Ikalawang Aklat