Chapter 58 - Tángo

763 26 5
                                    

ganun b... okies,
ah cge txt txt nlang po
my ggawin p kc kme
-09:00PM

--> Cge ingat
-9:02PM

c ya soon TC fafaMike
love love ^_^
-9:03PM


▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Fifty-Eight █ ▆ ▅ ▃ ▂



Tángo



Si Ren


Tángo.

That's the first word that I thought of when he asked me last night on how we first met. Tulad nang dati ay kwentuhan muna kami sa phone bago matulog at nauwi nga ang topic sa isang subject noong nag-aaral pa kami.

It was a cold November. Kakasimula pa lang ng Second Semester sa university at nasa gym kami noon, nakasalampak sa sahig paikot while our Instructor, who's at the center, was slowly browsing the classcards in her hand. I could still remember wearing our jogging pants and shirt. Iyon ang unang klase namin sa P.E. at ang code ay "SD201L" meaning Social Dances, iyon ang nasa course program kaya no choice, at "L" dahil Latin ang unang genre.

Kapag inisip ko, hindi naman ganoon katagal but it felt like decades have passed sa dami ng nangyari sa buhay ko, sa mga pinagdaanan ko. In spite of, I'm grateful dahil nalampasan ko ang lahat ng pagsubok at buhay pa at kasama si Nat, ang lalaking mahal ko.

Ngayon ay masayang-masaya ako. Di ko sinasabing perpekto pero alam kong masaya na muli – bagay na akala ko ay hindi ko na muli mararamdaman. Parang bago ang lahat at pakiwari ko ay lumulutang ako sa galak. Napakalalim man at korni pakingggan pero yun talaga!

'Tara na?', tanong ng lalaki. I looked at his eyes.

I smiled seeing the man I love. 'Let's go!'

And we walked side by side.

It was Nathaniel. My Nat. And yes, we are still together.

Nagkaayos na kami finally. It's been a week since his last visit in our house matapos ang matinding hamon sa aming relasyon. Akala ko tuluyan na siyang mawawala sa akin. Akala ko nagpunta siya para magpaalam for good. But I just got it all wrong. Nagpaliwanag muli ako s kanya at tinanggap naman niya iyon at nagkasundo kami na hindi na muling ungkatin pa ang isyu. Sumang-ayon ako.

Siyempre hindi nakaligtas sa mga malapit kong kaibigang sina Ruby at Boni ang tungkol sa pag-aayos naming iyon ni Nat dahil ako mismo ang nabalita nito sa kanila at masayang-masaya naman sila para sa akin. Akalain bang nang sumunod na gabi ay nag-aya silang dalawa na mag-bar daw kami para i-celebrate ang pagbabalikan namin ng mahal ko – eh hindi naman kami naghiwalay ah? Mga baliw lang!

Pero dahil masaya ako ay pumayag na at ako ang naging taya. Isasama ko sana si Nat dahil request ni Ruby kaso may raket daw sila sa catering nang gabing iyon. Kahit ganoon ay may plano na akong naisip kung paano nila makikilala pa at makakasama si Nat at excited na ako. Boyfriend ko si Nat kaya excited din akong makilala nila ito.

Alam kong hindi naging maganda 'yong unang tagpo ng barkada with him during my birthday kaya gusto kong maituwid at maitama kung anoman ang maling impresyon nila sa tao lalo na't magkarelasyon na kami – I'm talking about Gab and Alejandro here, hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit ganoon nalang ang pagka-disgusto nila kay Nat. On the other hand, hindi naman problema sina Tim, Ruby at Mac dahil ramdam kong OK naman sila sa relasyon namin. I don't wish for Gab, Ole and Nat to be good friends but just as good acquaintance will be enough, pasasaan ba't magkakasundo rin sila. Ayoko ko lang kasi na may hidwaan between us. Masyado ng malalim ang mga pinagsamahan namin para lang magkawatak-watak.

Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon