Alam ni Michael ang susunod na maririnig dahil naaalala pa niya ang tagpong iyon sa loob ng session room ilang taon na ang lumipas ngunit hinayaan lang niya ang sarili na pakinggan pa rin ito.
Doc Evie:
Michael listen to me carefully. Bata ka pa, you’re just 16, marami pang mangyayari sa’yo sa hinaharap. Wag mo masyadong isipin ang mga nangyayari ngayon. Hindi mo na maibabalik ang nakaraan. At ang tungkol naman sa tinatanong mo sa issue mo about sa’yo at kay Lorenzo – it’s normal. Tulad ng sinabi ko bata ka pa at lilipas din iyan. You should focus on things that will improve yourself as a person. Study and finish college, get a decent job. Enjoy life. At kung pagkatapos ng lahat ay ganun pa din, sa tingin ko ikaw na ang makakapagsabi sa sarili mo – hindi ako... hindi rin ang ibang tao.
Tahimik lang.
Doc Evie:
Don’t worry Michael... wala namang masama if you’d turned out gay or bisexual... or confused for that matter. Hindi yun kabawasan sa pagkatao mo; and besides, hindi naman ikaw ang unang taong magiging ganun if ever, right? Hahahahaha, oh well, ang ibig kong sabihin, relax ka lang OK? Isa pa, ang pogi-pogi mong bata, I’m sure sa mga susunod na taon after you graduate from college baka makapag-asawa ka na din agad at magkapamilya. Kunin mo ‘kong Ninang ah? Hihihihi.
Michael:
Doc naman... lagi nyo na lang akong ginu-good time eh.
▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Eighteen █ ▆ ▅ ▃ ▂
Desperate
Si Boni
Hindi ako naniniwala sa forever.
Para sa akin, hangga’t nasa iyo pa ang isang bagay, dapat sulitin mo na.
Darating ang panahon na masisira ito at tuluyan ding mawawala. Hindi ko kailangan magpaka-martir sa pag-ibig. Sa ganitong klase ng buhay mayroon kami ni Ren, hindi ko alam sa kanya kung bakit kumakapit pa din siya sa pag-ibig na matagal ng wala.
It’s not that I don’t believe in it. Ang sa akin lang, kung ano man ang merun sa kanilang dalawa ni Kenneth ay hanggang doon na lang at matagal ng tapos – yung araw na mismong iniwan niya si Ren at ‘di na nagparamdam at nagbalik.
I am his friend for almost three years now. Kung paano? Hahahahahaha, mahirap paniwalaan kasi naman ang dami kong kabaliwan noong nag-aaral pa kami sa university. I can say that we’re completely the opposite of each other. ‘Ni wala nga s’yang landi sa katawan – ewan ko lang kung paano siya natagalan ni Kenneth, and as for that a*hole, he better not show his face again. Oo mabait siya, yummy and all that but what he did to Ren was unforgivable. Ibang klase din siya, ang kapal ng apog!
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]
Random"Ang sabi mo mahal ka niya, pero Michael matagal na yun... paano kung hindi na ngayon?" ~ Ikalawang Aklat