Abangan...

1.8K 63 9
                                        

Abangan...

 

‘Ano? Di ka pa ba uuwi?’

‘Tss, kilala kita... Wag kang atat. Nakapaghintay ka nga ng mahigit sa apat na taon, ano ba yung isa pang araw?’, ani ni Phillip sabay lagok ng tagay.

Tahimik lang na nilalaro ni Michael ang basyo ng inumin sa kanyang kamay.

Napailing na lamang ang matalik na kaibigan sa namalas.

Ilang saglit pa ay nagbitaw muli si Michael ng kataga bagaman nakayuko.

‘Ano bang dapat kong sabihin sa una naming pagkikita muli? Hi? Hello? Musta, long time no see? Ako 'to si Mike...’

Tinapik na marahan ni Phillip ang balikat ng kausap.

‘Ang mas dapat mong itanong: paano mo sasabihin kay Lorenzo ang matagal ng sikreto ni Kenneth... alam nya ang lihim mo... hawak mo naman ang sikreto nya... pagkakataon mo na ‘to, pero sinasabi ko sa’yo ‘Tol, matagal kang nawala, matagal... at sa panahong wala ka, si Kenneth lang ang nasa piling ny--.’

‘Mas una nya akong minahal at may binitawan siyang pangako sa akin, naniniwala ako dun.’

‘Eh ano sa tingin mo ang relasyon nilang dalawa, panakip-butas sa’yo? Tsk. Taas din ng kumpyansa mo sa sarili ah!’, tuya ni Phillip.

Matagal na tumitig si Michael dahil sa narinig.

Matatalim ang titig ng mga mata nila.

Subalit walang nagpapatalo.

‘Sinasabi ko sa’yo Tol, bumitaw ka na habang hindi pa kayo nagtatagpo muli.’

‘Ngayon pa?’

‘Hindi mo mabubuwag si Kenneth. Wag mo na ituloy 'to.’

‘Wala na siya. Ako ang unang minahal ni Lorenzo.’

‘Tandaan mo, wala pa din siyang alam sa dahilan kung bakit nangyari yung kay Jerry...’

Natahimik si Michael.

Buntong-hininga lamang ang namagitan sa dalawa.

Hindi na nasundan ang usapan sa loob ng sumunod na labinlimang minuto.

Tumayo na si Phillip upang magpaalam at lumisan.

‘Ge, pasado alas-onse na, may opisina pa ako bukas, at may interview ka pa di ba?’

Isang mabilis na saad ang namutawi kay Michael.

‘Alam kong matatanggap din nya ang katotohanan... dahil mahal niya ako - namin ang isa’t isa.’

Muling humarap si Phillip.

Nagsalubong ang tingin ng magkaibigan.

‘Tol payong bespren lang: you need to move on, ikaw na lang ang kumakapit sa nakaraan...'

'I will... kapag sinabi niyang hindi na niya ako mahal, dun lang...'

***sa July 21, 2014

Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon