'Si Kier... ah, ganun ba talaga ugali nun? Parang mailap siya sa mga tao e...'
Oo nga naman, si Kuya Robert ay matagal ng empleyado sa firm at sigurado sa mga panahong iyon ay kilala na niya si Kier lalo na't anak ito ng pinakaboss namin. Imposibleng wala siyang ideya kahit sabihin pa niyang sa ibang department siya kabilang. Sa dami ng empleyado imposibleng wala siyang nababalitaan kahit kwentong-barbero tungkol sa iba lalo na sa pamilyang nagmamay-ari ng firm.
Naghintay ako ng sagot sa kasamahan naming senior pero hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay si Missy pa ang nagsalita.
'N-naku Mike, 'wag mo ng itanong...'
'Bakit naman?'
Tahimik lang sina Pia at Pareng Will habang naglalakad pero alam kong naririnig nila ang usapan.
Tinignan ko si Kuya Robert at hindi na ako nagulat sa naging sagot niya.
'Hindi mo na dapat tinatanong 'yan Mike, baka pag-initan ka lang ni Engineer Amadeus.'
▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Fifty █ ▆ ▅ ▃ ▂
Pahabol na Kumpisalan at Kamalasan
Si Michael
...baka pag-initan ka lang ni Engineer Amadeus...
Ayoko makialam sa iba. May sarili akong buhay, mga inaalala at problemang mas dapat pagtuunan ng pansin - things worthier of my attention than dipping my toes into unfamiliar waters. As to Kier, tss..
Marahil nananaginip na ang karamihan sa loob ng stilts; it's past midnight.
Masarap ang dinner kanina, kamayan-style habang nasa gilid ng dagat. Nagpa-set up ng mahabang mesa na may sapin na mga dahon ng saging. Umaatikabong kanin, sinigang na hipon at baboy, buttered sugpo, manggang hilaw, bagoong, kilawin, inihaw na talong, alimasag, pakwan, pinya at buko pandan on the side. Imba!
Last supper lang ang dating ah! Naalala kong komento pa ni Pareng Will habang nagtatalsikan ang kanin galing bibig - kadiri!
Last night na namin dito sa Calatagan. Kaninang hapon, awarding - panalo overall sina Pia, 'yong orange group na inabutan ni Boss Felix ng legal size white envelope. Naiyak si Missy dahil may cash prize pala sa huli, sana daw pala ginalingan niya sa pagtakbo sa mga gulong. Natawa na lang ako palihim. Akala namin, simpleng games lang talaga na integral part ng teambuilding pero naghiyawan sa panghihinayang yung iba kasi ang laman ng sobre ay P6,000 cold cash. Ang gara lang! Tuwang-tuwa ang anim na members ng orange.
After dinner, mayroon pa lang giant bonfire. Sa dami namin ay tila meeting de avance ng political party ang nangyari, pero nakapalibot pa rin kami sa nagniningas na apoy, pampawi sa lamig ng gabi.
Nagsalita si Boss Felix on behalf of the Executive Director ng Villarosa's na hindi dumalo. Nagpasalamat siya sa aming lahat na sumama, sa mga masisipag na organizers ng event - may mga hindi na sumali sa games kasi toka nila ay i-organize ang itinerary, lahat ng activities, facilitate the employees other needs, even sa program. In short they are people behind the success of the teambuilding. Pinatayo sila ni Boss Felix to be recognized at pinalakpakan ng lahat. Somehow, being recognized in your hardwork though in silence is quite fulfilling. At ganun din ang ginawa ng boss nila Alfred - si Retired Architect Fontanares ng Sebastian Architects para sa mga empleyado ng sister company na pinapasukan ko.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]
Losowe"Ang sabi mo mahal ka niya, pero Michael matagal na yun... paano kung hindi na ngayon?" ~ Ikalawang Aklat