Chapter 10 - Ang Dalawang Panauhin ni Jeremiah

2.3K 68 21
                                    

‘Sino naman yung bagong boylet ng bruha?’, usisa nito.

May halong kilig na tawa ang tono pa nito na animoy nasasabik maisiwalat sa isang blind item.

‘Our new neighbour.’, diretsong sabi ni Ren habang sumusubo ng popcorn.

Napatingin si Ruby sa kaibigan, mukhang di makapaniwala sa narinig.

‘Gosh, pogi ba?!’

Napalakas ang bulong nito. Napairap nalang si Ren.

Pag ito nalaman ni Tim, naku..., bulong ni Ren sa isip.

Walang ganang sumagot si Ren habang naka-focus sa higanteng screen at patuloy sa paglantak ng popcorn kahit ilang segundo pa lang nag-umpisa ang palabas. Nag-aabang si Ruby.

‘Oo.’

‘Anong name?’

Michael.’

▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Ten █ ▆ ▅ ▃ ▂        

Ang Dalawang Panauhin ni Jeremiah

 

 

 

 

 

Si Michael

Kamusta ka na?

Nakikilala mo pa ba ako?

Ako ‘to... si Mike... dinadalaw ka uli.

Naririnig mo ba ako dyan Bespren?

Kamusta ka dyan? Nasaan ka na ba?

Masaya ka ba dyan? Kausap mo ba ang Diyos?

Pakiusap, ihingi mo ako ng tawad sa kanya sa lahat ng sala ko.

‘Tol, marami akong gustong ikwento sa ‘yo tulad ngayon, masaya ako sobra.

Napakasaya ko... sa wakas ipinagkaloob na niya ang pagkakataon para sa aming dalawa.

Nagkita na kami, kahapon... nakita na niya ako.

And I was not able to contain my emotion... hehe

 

And his reaction? It was epic, hindi malilimutan sa buhay ko.

Ako na siguro ang pinakamasayang tao sa mundo nang sandaling iyon.

Nga pala pasensya na kung ngayon lang kita nadalaw.

I have returned last week but I got lots of things to do kaya pasensya ka na talaga, pero wag ka na magtampo andito na bespren mo.

‘Tol, patawarin mo ako sa lahat...

It’s been a long time pero andito pa rin...

Sana nandito ka para marinig kita – ang galit mo, ang pagpapatawad mo, o kung ano man ang nais mong sabihin sa akin.

Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon