Ilang saglit pa ay narinig ko ang message alert tone ng aking mobile kasabay ang mahinang katok sa pinto. Ayokong makipag-usap kahit kanino nang mga sandaling iyon dahil ang gusto ko lang ay si Nat, ang mapatawad niya ako at maayos ko ang gusot na ito. Sa tagpong iyon ay naisip ko muli si Nat, lagi siyang tumatawag o nagte-text kapag pauwi na siya from work kaya nakadapa pa rin akong tinignan ang screen.
Nanlalabo man ang aking mga mata dahil sa luha ay nabuhayan ako ng loob sa nakita kong notification sa screen.
1 message received.
Tanging si Nat lang ang nasa isip ko hanggang sa tama nga ang hinala ko. Siya nag nagpadala ng mensahe kaya talagang nabuhayan ako ng sigla. Dali-dali kong binuksan ang bagong dating na mensahe.
Only to find out his disappointment and distrust towards me.
Kahit minsan ba'y nahigitan ko siya?
▂ ▃ ▅ ▆ █ Chapter Forty-Five █ ▆ ▅ ▃ ▂
What Is Wrong With You?
3rd Person POV
'Naku... ayun nga, puro kami tumba ng kapatid ko - pareho kaming 'di marunong e.'
Kasunod ang mahinang hagikgik ng dalaga matapos ang kwento.
Natawa rin ang gwapong binata na kasama sa nabuong eksena sa isipan nito.
'Eh 'di sayang lang yung bayad n'yo? Dapat kasi tinawagan mo 'ko para naturuan ko pa kayo ng bunso mong kapatid. Di ba may usapan na tayo nun? Saka Sabado naman, sa bahay lang ako nun e, daya...'
'Eto naman, nangonsensya pa. Di naman sayang kasi nag-enjoy naman kami. Kahit paano nakapag-bonding kami nun kasi kundi LoL or DOTA ay puro playstation maghapon. Mukha na ngang computershop ang bahay namin pag-umuuwi yung galing UPLB eh, mapurol na rin social skills... wala ng inatupag kundi OLgames, 'di ko nga alam kung paano pumapasa yun sa exams nya tapos namamayat pa. Ayun galit si Mama, panay sermon.'
'Hehehe adik nga, tinalo pa pala ako nung utol mo! Siya nga pala, maiba ako... uh... nanonood ka naman ng movies di ba?'
'Oo naman! Ano'ng akala mo sa 'kin? Di mo naitatanong, minsan nga nasa Quiapo kami ng pinsan ko namamakyaw ng pirated DVDs... you know, hihi.'
'Woah! Kung ganun ay OK lang na ayain kita, malapit na ipalabas yung Mockingjay Part1, may trailer na nga , napanood mo ba?'
'Ah, oo merun sa facebook page, nakita ko. Pinanood kaya namin yung first three movies nun, ang ganda kasi nung mga parade of costume ni Katniss.'
'O, yun naman pala e, ano, sama ka sa amin nina William at Sophia?'
'H-ha? 'Di ba nakakahiya sa grupo n'yo?'
'Hindi yun, actually sinabi ko nga sa kanila kung pwede kitang isama para mas marami tayo... isasama din kasi ni William yung girlfriend niya... ano?'
'Ah... eh... s-susubukan ko, tignan ko...'
'OK na yan, basta ah, i-reserve mo na yung date kapag showing na.'
![](https://img.wattpad.com/cover/12198121-288-k396259.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin Ang Iniibig Ko [TMbook2]
Random"Ang sabi mo mahal ka niya, pero Michael matagal na yun... paano kung hindi na ngayon?" ~ Ikalawang Aklat